Mayor ng Santa Rosa, naglabas na ng pahayag ukol sa sinasabing COVID patient na tumakas

Mayor ng Santa Rosa, naglabas na ng pahayag ukol sa sinasabing COVID patient na tumakas

- Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Mayor ng Santa Rosa tungkol sa kumakalat na balitang mayroon di umanong COVID-19 patient na nakatakas sa St. James Hospital

- Wala raw umanong katotohanang COVID-19 patient ang lalaking tumakas dahil walang swab test na isinagawa rito

- Mabilis na kasing kumalat sa publiko ang larawan ng lalaking tumakas at agad na nabigyan ng spekulasyon na COVID-19 patient ito ngunit hindi naman daw ito totoo

- Nakapanayam ng alkalde ng Santa Rosa ang doktor sa ospital at personal din nitong nakausap ang kapatid nitong isinalaysay ang totoong pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang alkalde ng Santa Rosa, Laguna na si Mayor Arlene Arcillas kaugnay sa kumakalat na balitang may nakatakas umanong COVID-19 patient sa kanilang lugar.

Sa sobrang pagkabahala ng publiko, mabilis na nag-viral ang post kung saan may larawan pa si Christopher Manara, ang sinasabing COVID-19 patient.

Nakausap umano ng alkalde ang doktor sa St. James Hospital kung saan daw nakatakas ang lalaki.

Ayon kay Dr. Gilda Almazan, walang katotohanan na COVID-19 patient ang lalaki dahil elevated blood pressure ang findings sa kanya nang ma-admit ito noong Abril 9.

Hindi rin daw ito isang Probable or Suspected COVID case kaya naman walang swab test na isinagawa sa kanya.

Subalit, totoo raw na tumakas si Manara sa ospital. Bandang 7:00-7:30 ng gabi ng Abril 11 nang tumakas ito at nai-report ito sa barangay noong Abril 12.

Nilinaw naman ito ng kanyang kapatid na personal na nakapanayam ng alkalde ng Santa Rosa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento ng kapatid ng pasyente, holy week nang panahong idi-discharge na sana ang si Manara.

Hindi raw tinanggap ng ospital ang ibinabayad nilang tseke kung walang OR/CR, land title, at mga guarantor na empleyado ng naturang ospital.

At dahil hindi na inaasikaso si Manara sa ospital, wala na ring rasyon ng pagkain at gamot, nagawa niyang tumakas.

Ang nagpalala lamang sa nangyari ay nang kumalat na isa umanong COVID-19 patient si Christopher na madaling napaniwalaan ng kanilang mga kapitbahay.

Mula noon ay nakararanas na umano sila ng diskriminasyon.

Maging ang police report na di umano'y kumakalat sa social media ay pinabulaanan din ni P/Col Eugene Orate mula sa Santa Rosa City Police Station.

Nagpaalala rin ang alkalde na mag-ingat sa mga kumakalat na "fake news" news tulad ng nangyari kay manara at sinabi rin niyang mananagot ang sinumang nagpapakalat nito.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Learn how to dance, have video calls with friends and 5 other things you can do during quarantine that will make you feel better!

7 Useful Things You Should Definitely Do During Quarantine | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel