Dalawang batang PUI sa Pangasinan, pumanaw na

Dalawang batang PUI sa Pangasinan, pumanaw na

- Sumakabilang buhay na ang dalawang batang patient under investigation sa Pangasinan

- Ang isa ay ang walong buwang gulang na mula Dagupan City habang ang isa naman ay mula may edad na tatlong taong gulang na at mula naman sa San Carlos City

- Acute Respiratory Failure secondary to Pediatric Community Acquired Pneumonia ang lumabas na ikinamatay ng 3 taong gulang na bata

- Wala pa ring resulta ang isinagawang swab test sa kanila upang makumpirma kung dulot ito ng coronavirus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawang bata mula sa Pangasinan ang binawian na ng buhay bago pa man dumating ang isinagawang COVID-19 test sa kanila.

Base sa naunang ulat ng KAMI ang isang bata ay mula Dagupan City at ito ay walong buwang gulang lamang.

Pumanaw ito isang araw mula nang ma-admit siya sa ospital noong Abril 14.

Kinakitaan ito ng ilang sintomas ng COVID-19 tulad ng pag-ubo at mataas na lagnat kaya naman nagsawa ng test sa bata.

Siya rin umano ang pinakabatang patient under investigation sa kanilang lugar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, isa ring batang hinihinalang may COVID-19 mula naman sa San Carlos City sa Pangasinan pa rin ang binawian na ng buhay.

Isa itong batang lalaki na mula Mestizo Norte at na-admit sa Pangasinan Provincial Hospital.

Pumanaw ito noong Nobyembre 14.

Acute Respiratory Failure secondary to Pediatric Community Acquired Pneumonia ang lumabas na dahilan ng pagkamatay ng bata.

Mayroon din itong Congenital Heart Disease at Down Syndrome.

Wala naman itong travel history base sa imposrmasyon na binahagi ng City Information Office San Carlos City Pangasinan.

Kasalalukuyang zero pa rin ang confirmed cases sa San Carlos City.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Learn how to dance, have video calls with friends and 5 other things you can do during quarantine that will make you feel better!

7 Useful Things You Should Definitely Do During Quarantine | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel