Mystica, pwedeng makasuhan dahil sa mensahe niya laban kay PRRD -Roque

Mystica, pwedeng makasuhan dahil sa mensahe niya laban kay PRRD -Roque

- Maaari raw maparusahan sa ilalim ng batas si Mystica matapos itong mag-ere ng mensahe laban sa gobyerno at kay Pangulong Duterte

- Matatandaang kamakailan lamang ay nag-viral ang video ni Mystica na hinihikayat ang publiko o ang mga taga-suporta ni VP Robredo na umaksyon laban sa pamahalaan

- Bukod dito ay minura rin ng singer at aktres si Pangulong Duterte

- Pero makalipas lang ang ilang araw ay binawi nito ang mga pahayag at humingi ng despensa sa pangulo at sinabing isa siyang supporter ni Digong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa nagbabalik na presidential spokesperson na si Harry Roque, pwede raw makasuhan si Mystica dahil sa naging pahayag nito laban sa pamahalaan.

Matatandaang kamakailan lamang ay nag-viral ang video ni Mystica na hinihikayat ang publiko o ang mga taga-suporta ni VP Robredo na umaksyon laban sa gobyerno at kay Pangulong Rodrigo Duterte.

"Sumasang-ayon na talaga ako kung ano yung mga prinsipyo ni Vice President Leni (Robredo). Dati rati, never ako nagbanggit about Leni Robredo. But right now sumusuporta na ako sa kanila. All the way. Sumusuporta ako sa kanila," sabi nito.

"Kaya kung sino ang sumusuporta kay Vice President Leni Robredo, let’s get out there and be in full force, labanan natin itong gobyerno na ito, lalong lalo na ang ating Presidente," ani pa ni Mystica.

Bukod dito ay minura rin ng singer at aktres si Pangulong Duterte.

Pero ayon kay Roque, may hangganan ang freedom of expression sa bansa lalo na sa mga panahong may national emergency.

"Hindi po absolute ang freedom of expression, meron pong hangganan yan, at nakasaad po sa international covenant on civil and political rights na a state can derogate among others dito po sa freedom of expression kapag mayroon pong national emergency," anito.

"Alam po natin na ang COVID ay hindi lang national emergency, it is an international emergency, pu-pwede po tayong magkaroon ng derogation, pwede pong limitahan ang freedom of expression at yun po ang ginawa natin sa bayanihan act," dagdag pa nito at binasa ang nilalaman ng Bayanihan Act Section 6 (f).

"So Mystica, may batas po na pu-pwedeng gamitin para parusahan ka."

Narito ang video clip ng pahayag ni Roque mula sa YouTube channel na Peek Travel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pero kamakailan lang, binawi ni Mystica ang mga pahayag at humingi ng despensa sa pangulo at sinabing isa siyang supporter ni Digong, na una nang naiulat ng KAMI.

"Ako talaga ay taga-suporta ng President… Alam ko na ang President natin may puso yan… Kung ako man ay nakapagmura, and I repeated it again, dahil sa parang ako rin ay isang anak ng isang ama. Kasi from the start, tinuring ko na siyang ama," anito sa pamamagitan din ng social media.

Si Mystica, o Ruby Rose Villanueva sa tunay na buhay ay isang Filipina showbiz personality. Nakilala ito bilang "Split Queen" dahil sa kanyang mga dance moves.

Samantala, sa isa pang report ng KAMI, nagbabala si Pangulo Duterte sa publiko sa posibleng pagpapatupad ng "martial law-like" kapag nagpatuloy ang mga pasaway.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic — HumanMeter

“They had to walk an hour, an hour and a half to get to work. I mean, coming from an 8-hour shift sa hospital. Tapos palalakarin mo pa yung nurse o kahit security guard. Parang hindi makatarungan, diba?”

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel