9 na preso at 9 na jail personnel, nag-positibo sa COVID-19

9 na preso at 9 na jail personnel, nag-positibo sa COVID-19

- Siyam na preso at siyam ding mga jail personnel mula sa Quezon City ang nag-positibo sa COVID-19

- Kinumpirma ito ni BJMP spokesman Xavier Solda sa isinagawang public briefing

- Ang siyam na mga preso na nagpositibo ay mula sa 21 na nakunan ng swab testing at kasalukuyan nang naka-isolate

- Sasailalim naman sa home quarantine ang siyam na jail personnel na nagpositibo rin sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Siyam na mga bilanggo sa Quezon City at siyam ding mga jail personnel ang nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma ito ng BJMP spokesman Xavier Solda sa isinagawang public briefing ngayong araw, Abril 17.

Ayon pa kay Solda, ang siyam na mga preso ay mula sa 21 na nagawan ng swab testing at naka-isolate mula pa noong Abril 13.

Agad na rin silang nagpagawa ng extreme contact tracing lalo pa sa kalagayan ng lugar ng mga inmates.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nilinaw din nito na ang siyam na nagpositibo at naka-isolate na at kasalukuyang nasa Payatas isolation facility.

Dagdag pa ni Solda, ipaaalam din nila umano ang resulta sa mga pamilya ng nag-positibo.

Samantala, ang siyam namang mga jail personnel ay sasailalim sa home-quarantine dahil di naman umano kinakitaan ang mga ito ng severe symptoms.

Sa naunang pahayag BJMP Spokesperson, nabanggit nitong ang mga BJMP personnel sa buong bansa ay magdo-donate ng bahagi ng kanilang sweldo para sa pondo ng bansa sa laban ontra COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Learn how to dance, have video calls with friends and 5 other things you can do during quarantine that will make you feel better!

7 Useful Things You Should Definitely Do During Quarantine | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel