Mag-tito, ipina-raffle ang baboy na ipinapamigay sa mga kababayan ngayong may ECQ

Mag-tito, ipina-raffle ang baboy na ipinapamigay sa mga kababayan ngayong may ECQ

- Naging viral sa social media ang mag-tiyo dahil sa kanilang kakaibang paraan sa pamimigay ng tulong

- Naisip nilang ipa-raffle ang karne ng kanilang alagang baboy ngayong may enhanced community quarantine

- Bago makuha ang karne, kailangan muna bumunot ng papel para malaman kung anong parte ang makukuha

- Sa ngayon ay wala pang naitalang kaso ng COVID-19 sa Batanes pero ipinatupad na ang enhanced community quarantine rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang mag-tiyuhin na namimigay ng libreng baboy sa mga kababayan nila.

Nalaman ng KAMI na may kakaibang paraan ang mag-tiyo na si John Patrick Hubalde at Von Jester Asantor kung paano nila ipapamigay ang parte ng baboy.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, pinapabunot nila ng number ang mga taong pagbibigyan nila at saka nila malalaman kung anong parte ng baboy at kung ilang kilo ang makukuha nila.

Si Asantor ay kawani ng Department of Agriculture. Aniya, ang karneng ipinapamigay nila ay galing sa alagang baboy nila. Naisip nilang magpamigay nito para may pang-ulam kahit papaano ang mga kababayan nila sa Batanes.

"May pata, may kasim, porkchop. Kahit isang araw siguro eh at least nakatulong ako ulam lang,” sabi ni Asantor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon ay wala pang naitalang kaso ng COVID-19 sa Batanes. Subalit, ipinatupad na rin ang enhanced community quarantine rito kaya ang ilang komersyo at negosyo ay pansamantala na ring natigil.

Naunang naibalita ng KAMI na 5,660 na ang naitalang kaso ng coronavirus disease sa buong Pilipinas. Ang 435 sa mga pasyente ay gumaling na pero ang 367 dito ay pumanaw na.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Our host Paula Coling gave some amazing tips on how to wisely spend your time amid the enhanced community quarantine in Luzon! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel