Duterte: Militar, handa anumang oras kapag nagpatuloy ang mga pasaway

Duterte: Militar, handa anumang oras kapag nagpatuloy ang mga pasaway

- Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na posibleng magkaroon ng "martial law-like" na sistema kapag nagpatuloy ang mga pasaway sa ECQ

- Ayon sa presidente, handa raw ang militar at ang kapulisan na magpatupad ng social distancing measures kontra sa COVID-19

- Sinabi rin ni Pangulong Duterte na posibleng ipatupad niya ito sa susunod na linggo

- Batay sa report ng Philippine National Police, umabot na sa 108,088 ang bilang ng violators na ang karamihan ay nasa Luzon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na makiisa sa umiiral na enhanced community quarantine. Kaugnay ito ng malaking bilang ng violators sa bansa sa kabila ng banta ng coronavirus diesease.

Nagbabala rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na posibleng magkaroon ng "martial law-like" system kapag nagpatuloy ang mga pasaway sa ECQ.

"I’m just asking for your disiplina. Kasi pag ayaw ninyo, ayaw ninyong maniwala, mag-takeover ang military pati pulis. I am ordering them now to be ready. Ang pulis pati military ang mag-enforce sa social distancing at yung curfew. Sila na," ayon sa pangulo.

"Parang martial law na rin. Mamili kayo. Ayaw ko, pero pagka naipit na yung bayan at walang disiplina kayo," dagdag pa nito.

Sinabi rin ni Pangulong Duterte na posibleng ipatupad niya ito sa susunod na linggo kapag nagpatuloy ang kawalang-disiplina ng ilan.

Sa isang ulat ng GMA News, umabot na sa 108,088 ang bilang ng violators na lumabag sa ECQ sa bansa base sa report ng Philippine National Police (PNP).

Sabi ni Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, 64,946 dito ay mula sa Luzon, 19,279 sa Visayas at 23,863 naman sa Mindanao base sa data noong April 12.

Samantala, ayon naman kay Interior Secretary Eduardo Año na posibleng ma-extend ang ECQ kung patuloy na tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa isang report ng KAMI, ilang kalalakihan, kabilang ang ilang senior citizen ang nahuling nagsusugal at umiinom sa kabila ng ipinapatupad na liquor ban at ECQ.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic — HumanMeter

“They had to walk an hour, an hour and a half to get to work. I mean, coming from an 8-hour shift sa hospital. Tapos palalakarin mo pa yung nurse o kahit security guard. Parang hindi makatarungan, diba?”

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel