Viral na delivery man na tumutulong sa iba gamit ang mga tip, nagantimpalaan

Viral na delivery man na tumutulong sa iba gamit ang mga tip, nagantimpalaan

- Nakilala na ang nag-viral na delivery man na nagbibigay ng mga tinapay gamit ang tip na kanyang natatanggap

- Dahil sa kanyang kabutihan, nagantimpalaan siya ng kanilang kompanya

- Mag-isa lamang siyang nagtataguyod ng misis na buntis at tatlong mga anak ngunit hindi pa rin siya nagdalawang isip na tumulong

- Nagulat siya sa mga papuring kanyang natatanggap at hindi niya inaasahang ang simpleng pagtulong niya ay magbibigay ng inspirasyon sa marami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagantimpalaan ang kabutihan ng pizza delivery guy na bumibili ng mga tinapay gamit ang natatanggap na mga tip at ibinibigay ito sa mga taong lansangan.

Nakilala ang delivery man na si Raymond Papellero ng Pizza Hut.

Matatandaang nag-viral ang post ng may-ari ng bakery kung saan pinakita nito ang nakamamanghang pagtulong ni Raymond.

Una na itong naibalita ng KAMI kung saan makikita ang ilang supot ng tinapay na nabili ng delivery man mula sa kanyang tip.

Binibigay niya ito sa mga kababayan nating nadaraanan niya at alam niyang nagugutom.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Viral na delivery man dahil sa pagtulong gamit ang mga tip, nagantimpalaan

source: Pizza Hut Philippines
Source: Facebook

Dahil dito, napansin maging ng pinapasukang kompanya ang kabutihang ginagawa ni Raymond kaya naman nabiyayaan siya ng ₱10,000.

Ayon sa panayam ng GMA News kay Raymond, hindi raw nito sukat akalain na ang simpleng pagtulong niya ay mapapansin ng marami.

Kapag nakikita nga niya ang mga papuring natatanggap niya mula sa komento ng mga netizens, hindi raw niya mapigilang maiyak.

Ang nakamamangha pa kay Raymond, mag-isa lamang siyang nagtataguyod sa kanyang misis na buntis at tatlong mga anak. Ngunit sa kabila nito, nagagawa pa rin niyang pagmalasakitan ang mga kababayan nating higit na nangangailangan ng tulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Learn how to dance, have video calls with friends and 5 other things you can do during quarantine that will make you feel better!

7 Useful Things You Should Definitely Do During Quarantine | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel