8 buwang gulang na sanggol na hinihinalang may COVID-19, pumanaw na

8 buwang gulang na sanggol na hinihinalang may COVID-19, pumanaw na

- Pumanaw ang walong buwang gulang na sanggol sa Dagupan na hinihinalang may COVID-19

- Kinakitaan ito ng ilang sintomas ng virus tulad ng lagnat at pag-ubo

- Isang araw lamang mula nang siya ay ma-admit sa ospital at sumakabilang buhay na rin ito

- Wala pang resulta ang isinagawang throat swab testing sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang walong buwang gulang na sanggol ang pumanaw sa Dagupan City nitong Miyerkules, Abril 15.

Base sa ulat ng Rappler, hinihinalang may COVID-19 ang sanggol dahil sa mga pinakita nitong sintomas na pag-ubo, mataas na lagnat at nag-seizure din umano ito.

Abril 14 nang ma-admit ang sanggol sa isang pribadong ospital sa lungsod.

Sa ulat ng Bombo Radyo Dagupan Newsteam, pangwalo ang sanggol sa listahan ng mga patient under investigation o PUI sa lugar.

Siya rin ang pinakabatang pumanaw na PUI sa Dagupan.

Bandang alas-siyete ng gabi kahapon, namaalam na ang bata.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Wala pag resulta ang isinagawang throat swab test sa kanya.

Samantala, isang medical frontliner sa nasabing lugar ang nagpositibo sa COVID-19.

Siya ang ikalimang frontliner na tinamaan ng virus sa Dagupan.

Sa huling tala ng Department of Health ngayong Huwebes, Abril 16, umabot na sa 5,660 ang kabuuang bilang ng nag-positibo sa COVID-19.

Ngunit marami naman ang nabuhayan ang loob dahil sa patuloy na pagtaas ng recoveries sa halos limang araw na magkakasunod.

Ngayong araw naitala ang pinakamataas kung saan 83 ang karagdagang bilang sa recoveries.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Learn how to dance, have video calls with friends and 5 other things you can do during quarantine that will make you feel better!

7 Useful Things You Should Definitely Do During Quarantine | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel