Magandang balita! DOH, nagtala ng 82 pang pasyenteng gumaling sa COVID-19

Magandang balita! DOH, nagtala ng 82 pang pasyenteng gumaling sa COVID-19

- Muling nagtala ng mas maraming COVID-19 survivors ang Department of Health (DOH)

- Ngayong araw, nasa 82 na pasyente pa ang gumaling sa coronavirus at 13 naman ang nasawi

- Samantala, nasa 207 naman ang bagong kaso ng COVID-19 ang naitala at ang kabuuan ngayon ay nasa 5,660 na kaso

- Nagbigay na rin ng pahayag si Health Secretary Francisco Duque III ukol sa nais ng mga senador na mag-resign siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang magandang balita ang inihatid ng Department of Health (DOH) ngayong Huwebes (Abril 16) ng hapon.

Nalaman ng KAMI na 82 pang pasyente na may coronavirus disease (COVID-19) ang gumaling ngayong araw.

Ayon sa Facebook post ng DOH, ang kabuuang dami ng mga pasyenteng naka-rekober na ay 435. Ito na nga ang pinakamaraming naitalang gumaling sa loob ng isang araw sa Pilipinas.

Sa kabilang banda, nasa 13 naman ang naitalang nasawi dahil sa coronavirus. Nasa 362 na ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng pumanaw dahil sa COVID-19.

Ngayong Huwebes din ay may naitalang 207 bagong kaso ng COVID-19. Kaya naman, nasa 5,660 na ang kabuuang dami ng mga kumpirmadong kaso nito.

Samantala, naglabas naman ng pahayag si Health Secretary Francisco Duque III ukol sa resolusyong inihain sa Senado na nais siyang patalsikin sa kanyang pwesto.

“Let us work as a team, as one country fighting for the health and safety of all,” sabi ni Duque.

“I will continue to serve the country to the best of my abilities. Magtulungan po tayo,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna nang naibalita ng kami na 15 senador ang naghain ng resolusyon upang mag-resign na si Duque sa kanyang pwesto sa DOH. Ilan nga sa mga senador na ito ay sina Senador Tito Sotto, Manny Pacquiao, Imee Marcos, Bato dela Rosa, at Nancy Binay.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Maricar Reyes participated in a hilarious edition of our “Tricky Questions” challenge! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel