Single mom, labis ang tulong sa mga bata at frontliners ngayong may COVID-19 crisis

Single mom, labis ang tulong sa mga bata at frontliners ngayong may COVID-19 crisis

- Isang dakilang single mom ang nagpamalas ng kabaitan niya sa mga tao lalo na ngayong may COVID-19 crisis sa bansa

- Kahit na siya ay may matinding pinagdadaanan, hindi ito naging hadlang sa kanya para tumulong sa kapwa

- Ang single mom umano ay may autoimmune disease at ang nanay niya ay paralisado na rin ang kalahating bahagi ng katawan

- Ngayong may enhanced community quarantine ay nagbibigay siya ng relief packs sa mga pamilyang nangangailangan at pagkain sa mga frontliners

- Bukod pa rito, may sinusuportahan din siyang bata sa Romblon na may psoriasis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang single mom ang labis ang pagtulong sa kapwa kahit na siya ay may sariling pinagdadaanan sa buhay.

Nalaman ng KAMI na kahit may autoimmune disease ang single mom ay pinili pa rin nitong tumulong sa mga pamilyang nangangailangan, mga bata at mga frontliners lalo na ngayong may COVID-19 crisis sa bansa.

Bukod sa kanyang sariling pinagdadaanan, ang nanay din niya umano ay paralisado na ang kalahating bahagi ng katawan. Subalit, hindi naging hadlang ang mga ito upang tumulong siya sa kapwa.

Noong Easter Sunday ay namigay din siya ng mga groceries, gamot, laruan, at pagkain para sa mga bata sa Holy Trinity Orphanage.

Kamakailan din ay nakipag-collaborate siya sa Tomato Kick upang makapagbigay ng pagkain para sa mga frontliners sa East Avenue Medical Center.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa mga tulong na ito ay may batang taga-Romblon din siyang tinutulungan dahil ito ay may sakit na psoriasis.

Simula noong ipinatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon ay nag-iikot din siya sa Quezon City upang mamigay ng pagkain sa mga taong nasa lansangan. Nag-donate rin umano siya ng mga personal protective equipment (PPEs) para sa mga frontliners.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Maricar Reyes participated in a hilarious edition of our “Tricky Questions” challenge! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel