Pamilya sa Maguindanao, namimigay ng relief goods kahit walang bantay

Pamilya sa Maguindanao, namimigay ng relief goods kahit walang bantay

- Tampok sa social media ngayon ang pamilya sa Maguindanao dahil sa kanilang malasakit sa ibang tao

- Nagtayo ng “honesty relief station” ang mga ito kung saan pwede kumuha ng relief packs ang sinuman

- Ang laman ng relief packs ay bigas, monggo at daing upang may makain ang mga walang-wala na

- Isang linggo umano na nilang ginagawa ito para sa mga lubos na apektado ng enhanced community quarantine roon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang pamilya sa Macaguiling, Sultan Kudarat, Maguindanao ang nagpamalas ng kanilang malasakit sa kapwa.

Nalaman ng KAMI na gumawa ng isang “honesty relief station” ang pamilya ni Zulkifle Mohammad Pak sa gilid ng kanilang bahay.

Ayon sa Facebook post ng ABS-CBN News, walang nagbabantay sa relief station na ito at may nakapaskil lang na mensahe.

“Sino po ang wala nang mai-saing sa araw na ‘to, kumuha lang po ng isang ballot,” sabi sa mensahe.

“Isang balot lang po bawat pamilya para maraming matulungan,” dagdag pa nito.

Ang laman ng relief packs ay bigas, monggo, at daing. Sa isang sako ng bigas ay 25 relief packs umano ang nagagawa nila.

Paliwanag ni Zulkifle, gusto lang niya makatulong sa mga nangangailangan bilang ito ang natutunan niya bilang Islam.

“Kagustuhan lang na tumulong for less fortunate as Islam taught us and gusto ko lang i-practice ang honesty kaya naisip ko yun,” aniya.

Dagdag niya pa, galing ang pondo sa sariling kita niya at talagang sinasadya niya ang pagkuha ng daing para maipamigay.

“Kung hindi pa pagod pagkagaling ng trabaho, nagre-repack kami. Yung dried fish sinadya ko pa kunin sa Pagadian kahit sobrang higpit ng mga checkpoints going there. 'Yung budget naman is from my personal income pero I encouraged my siblings na rin para magpadala ng bigas,” sabi niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isang linggo na umano nilang ginagawa ito para sa mga taong apektado ng enhanced community quarantine roon.

Samantala, natuwa rin naman ang mga netizens sa kabutihan ng pamilyang ito. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

"Woow..salamat Sir maraming masayang pamilya jan sa inyo..pagpalain kayo lalo ng Panginoon"
"Family have a golden heart...God bless po"
"God Bless this family.may mabuting puso na tumulong sa nangangailangan.more blessings to come"
"Sana all ng mayayaman maisip to para sa mga pamilyang walang wala ng makain.."

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Maricar Reyes participated in a hilarious edition of our “Tricky Questions” challenge! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel