Army na pumanaw at may sintomas ng COVID-19, negatibo sa virus

Army na pumanaw at may sintomas ng COVID-19, negatibo sa virus

-Negatibo sa coronavirus disease ang junior Army na nasawi kamakailan matapos magpakita ng sintomas ng virus

-Ito ay ayon sa lumabas na test result nito mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM)

-Una nang naiulat na ang ikinamatay nito ay acute myocardial infraction with “bronchial asthma in acute exacerbation”

-Ayon sa balita, isinugod sa isang ospital sa Bulacan ang nasawing Army kung saan ito idineklarang dead on arrival

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Negatibo sa coronavirus disease ang junior Army na si 2Lt Vince Magbanua na nasawi kamakailan matapos magpakita ng sintomas ng virus, na una nang naiulat ng KAMI.

Sa isang statement, sinabi ng spokesperson ng Armed Forces of the Philippines na si Brig. Gen. Edgard Arevalo, na walang COVID-19 si Magbanua ayon sa test results nito mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Sa isang report ng Inquirer, sinabi na ang ikinamatay nito ay acute myocardial infraction (medical term para sa heart attack) with “bronchial asthma in acute exacerbation”.

Base sa nasabing ulat, isinugod sa isang ospital sa Bulacan si Magbanua noong April 7 matapos itong mahirapang huminga at na-diagnose ng acute bronchitis.

Pinabalik ito sa kanilang barracks at pinayuhang magself-isolate. Kinabukasan, isinugod ulit ito sa ospital dahil nahirapan na naman itong huminga.

Ngunit sa kasamaang-palad ay idineklara na itong dead on arrival.

Agad naman cinremate ang mga labi ni Magbanua bago dinala sa Davao kung saan ito nagmula.

Napag-alaman ng KAMI na si Magbanua at nagsilbi bilang weapons platoon leader ng 48th Infantry Battalion na naka-base sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic — HumanMeter

“They had to walk an hour, an hour and a half to get to work. I mean, coming from an 8-hour shift sa hospital. Tapos palalakarin mo pa yung nurse o kahit security guard. Parang hindi makatarungan, diba?”

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel