Babae at lalaking sanggol, kabilang sa mga bagong kaso ng coronavirus

Babae at lalaking sanggol, kabilang sa mga bagong kaso ng coronavirus

- Kabilang ang dalawang 9 na buwang gulang na sanggol sa mga pinakabagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Cebu City

- Bagamat hindi sigurado kung sa parehong komunidad nakatira ang dalawa, sila na ang pinakabatang nagkaroon ng virus sa siyudad

- Batay sa ulat, ang Cebu City ang nakapagtala ng pinakamalaking bilang ng positive cases sa buong region

- Ang mga new reported cases na ito ay nagpakita umano ng "negative to mild symptoms"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawang 9 na buwang gulang na sanggol ang kasamang nadagdag sa listahan ng positibong kaso ng coronavirus sa Cebu City.

Ayon sa ulat ng CDN at Sunstar Cebu, sila ang pinakabatang kaso na naitala sa siyudad. Hindi naman nagbigay ng detalye ang Department of Health in Central Visayas (DOH-7) kung sa iisang komunidad nakatira ang mga ito.

Base sa data ng DOH-7, ang dalawa na sina patients CV 64-CC at CV 65-CC ay isang lalaki at isang babaeng sanggol.

Kabilang ang dalawa sa 23 kasong naitala noong April 15, Miyerkules. 22 umano rito ay mula sa Cebu City at 1 sa Mandaue City.

Batay sa ulat, ang Cebu City ang nakapagtala ng pinakamalaking bilang ng positive cases sa buong region na umabot na sa 53.

Samantala, nilinaw naman ni Governor Gwendolyn Garcia na 22 lamang ang masasabing bagong kaso ng COVID-19 sa nasabing araw dahil ang isa sa mga ito ay repeat test lang ni patient CV 15-CC.

Ang mga new reported cases na ito ay nagpakita umano ng "negative to mild symptoms".

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kabilang ang dalawang sanggol sa bilang ng mga batang tinatamaan ng virus. Kamakailan lang isang 23-araw na sanggol ang nagpositibo rin sa virus sa Lipa, na una nang naiulat ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic — HumanMeter

“They had to walk an hour, an hour and a half to get to work. I mean, coming from an 8-hour shift sa hospital. Tapos palalakarin mo pa yung nurse o kahit security guard. Parang hindi makatarungan, diba?”

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel