77-anyos na lalaki sa Baguio na madalas tumanggap ng bisita, tinamaan ng COVID-19

77-anyos na lalaki sa Baguio na madalas tumanggap ng bisita, tinamaan ng COVID-19

- Isang lalaki sa Baguio City na bagaman at hindi lumalabas ng bahay, nagpositibo pa rin sa COVID-19

- Sinasabing panay naman daw ito ng tanggap ng bisita kaya malaki ang posibilidad na doon nito nakuha ang virus

- Na-stroke umano ang lalaki kaya maraming bumibisita rito

- Isa siya sa dalawang nai-ulat na nagpositibo sa virus ngayong araw Abril 15

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 77-anyos na lalaking na-stroke ang tinamaan ng COVID-19 sa Baguio City.

Base sa post ng Public Information Office - City of Baguio, hindi lumalabas ng bahay ang lalaki ngunit panay naman daw ang tanggap nito ng bisita.

Kabilang na ang isa nilang kaanak na bumibisita sa bansa mula Thailand.

Kasalukuyan na itong naka-confine sa Baguio General Hospital. Ang misis nito na nagkaroon ng ubo ilang linggo ang nakaraan ay kasalukuyan na ring inoobserbahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa kanilang alkalde na si Mayor Benjie Magalong, magsasagawa na ng agarang contact tracing lalo na sa mga bumisita sa matanda.

Agad ding na-disinfect ang mga taga-Maria Basa Street sa Barangay Pacdal at Giant Sequoia Street sa Woodsville, Camp 7.

Isa ang lalaking ito sa dalawang nai-ulat na nagpositibo sa COVID-19 sa Baguio ngayong araw, Abril 15.

Base sa ulat ng Rappler ang isa pang kaso na naitala sa Baguio ngayong araw ay isang 33-anyos na nurse Baguio General Hospital.

Sa huling tala ng Department of Health, patuloy na tumataas ang bilang ng mga naka-recover sa COVID-19. 58 ang karagdagang recoveries kaya naman nalampasan na nito ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Learn how to dance, have video calls with friends and 5 other things you can do during quarantine that will make you feel better!

7 Useful Things You Should Definitely Do During Quarantine | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel