Amang construction worker, binitbit ang pumanaw na anak mula Pasig hanggang Makati

Amang construction worker, binitbit ang pumanaw na anak mula Pasig hanggang Makati

- Dahil walang masakyan dala ng enhanced community quarantine sa Luzon, napilitan ang isang amang construction worker na ilagay sa kahon at bitbitin ang yumaong anak

- Mula Pasig hanggang Makati, dala niya ang isang buwang gulang niyang anak na nagkaroon ng komplikasyon sa puso na naging dahilang ng pagkamatay nito

- Bukod pa rito, namroblema pa sila sa napakalaking bayarin nila sa ospital

- Nagmalasakit ang kapitana ng kanilang barangay sa Makati at na-cremate ang sanggol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog ng puso ang sinapit ng isang construction worker kung saan kinailangan niyang maglakad pauwi bitbit ang pumanaw niyang anak na nakasilid lamang sa kahon.

Nakilala ang ama na si Rodel Canas na naglakad mula sa isang ospital sa Pasig pauwi sa Makati City dahil wala umanong masakyan bunsod ng Luzon lockdown.

Ayon sa post ng Makati East Rembo, pumanaw ang isang buwan at dalawang araw na gulang na sanggol dahil umano sa komplikasyon sa puso.

Bukod sa pagkamatay ng anak, namroblema pa umano si Rodel dahil sa P245,000 niyang bayarin sa ospital.

Nabigyan naman ito ng certificate of indigency ng kanilang barangay bilang patunay na wala umano itong kakayahang magbayad ng ganoon kalaking halaga.

Hindi rin siya pinabayaan ng Punong Barangay ng East Rembo na si Thelma Ramirez.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi pumayag ang kapitana na basta lamang malagak sa bakanteng lote ang bangkay ng sanggol kaya pina-cremate niya ito.

Nag-abot din siya ng tulong pinansyal sa pamilya ni Rodel na doble-doble ang hirap at sakit na dinaranas ngayon.

Nabigyan din ang pamilya ng sanggol ng food packs na mula naman sa MSWD.

Laking pasalamat ni Rodel sa kanilang kapitana na hindi siya nito pinabayaan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Learn how to dance, have video calls with friends and 5 other things you can do during quarantine that will make you feel better!

7 Useful Things You Should Definitely Do During Quarantine | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel