Manny Pacquiao, nagpaabot ng tulong sa mga mamamayang "walang ID at hindi nakalista"

Manny Pacquiao, nagpaabot ng tulong sa mga mamamayang "walang ID at hindi nakalista"

- Nagpaabot ng tulong si Senator Manny Pacquiao sa mga Pilipinong nasa lansangan

- Sila ang mga kababayan nating walang bahay kaya naman hindi rehistrado sa isang barangay

- Wala rin silang ID na maari raw ipakita ng kanilang pagkakakilanlan kung taga-roon ba sila sa lugar

- Gayunpaman, hinikayat ng senador na ipagbigay alam sa pamahalaan ang mga hindi pa rin nakatatanggap ng ayuda lalo na ang mga taong lansangan

- Dahil ang mga ito'y nakararanas din ng krisis dala ng COVID-19 kaya nararapat din silang maabutan ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang namigay ng tulong ang "Boxing Senator" na si Manny Pacquiao.

Sa Facebook page niyang Manny Pacquiao Public Information System, ibinahagi niya ang tulong na ipinaabot niya sa mga taong lansangan.

Ito raw ang mga kababayan nating walang tirahan, walang ID at hindi rehistrado sa anumang barangay kaya nahihirapang makakuha ng ayuda.

Sa voice-over ni Pacquiao sa video, hinikayat niya ang mga ito na ipagbigay sa kinauukulan ang mga taong hindi pa rin nakatatanggap ng tulong.

Sinabi niyang mga Pilipino rin ito na kasama nating nakararanas din ng krisis na dala ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At habang wala pang nakakarating na tulong sa ilang mga taong lansangan na ito, binigyan muna ito ng tulong ng senador.

Maaalalang makailang beses nang tumulong sa iba't ibang grupo ng tao si Pacman.

Sa naunang ulat ng KAMI, binahagi ang ginawang tulong ni Senator Pacquiao sa mga kababayan niya sa Sarangani.

Sako-sakong bigas kada pamilya at mga groceries ang napamigay niya roon kaya naman sobrang tuwa ng mga nakatanggap.

Nakapagbigay rin siya ng 400 milyong pisong halaga ng mga testing kits kasabay ng kilalang bilyonaryong negosyante na si Jack Ma.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Learn how to dance, have video calls with friends and 5 other things you can do during quarantine that will make you feel better!

7 Useful Things You Should Definitely Do During Quarantine | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel