OFW sa Qatar, binahagi ang paghihirap na dinaranas sa gitna ng banta ng COVID-19

OFW sa Qatar, binahagi ang paghihirap na dinaranas sa gitna ng banta ng COVID-19

- Binahagi ng isang 38-anyos na OFW sa Qatar ang kasalukuyan nilang dinaranas sa ibang bansa

- Maayos ang naging pamumuhay ng kanilang pamilya mula nang mag-abroad siya noong 2008

- Ngunit dahil sa COVID-19 kung saan karamihan ng mga bansa at nagdeklara ng lockdown, apektado rin silang mga OFW

- Mahigit isang buwan na raw siyang walang trabaho at umaasa siyang makakauwi silang mga kapwa niya Pinoy sa ating bansa kapag natapos na ang krisis na dala ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na binahagi ng isang Overseas Filipino worker sa Qatar ang kanyang dinaranas sa gitna ng banta ng COVID-19.

2008 pa nang siya ay makapag-abroad at masasabing naging maayos ang pamumuhay ng kanyang pamilya mula noon.

Nabibigay niya ang pangangailangan lalo na ng kanyang dalawang anak at hindi raw sila kinakapos.

Matinding sakripisyo ang ginagawa niya masiguro lamang na maayos ang kanyang pamilyang iniwan sa Pilipinas.

Ngunit ngayon, dahil sa krisis na dulot ng COVID-19, mahigit isang buwan na rin siyang walang trabaho.

Wala pang katiyakan kung sila ay makakauwi dahil na rin wala na rin daw pera ang kanilang kompanya.

Mahirap man ang kalagayan ngayon, nakuha pa niyang magbigay ng lakas ng loob sa mga kapwa niya OFW.

OFW sa Qatar, binahagi ang paghihirap na dinaranas sa gitna ng banta ng COVID-19
source: UGC
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng salaysay ni Anthony Navarra Nerviol na binahagi niya sa KAMI:

Anthony Navarra Nerviol - 38 yr old, furniture painter and foreman at Qatar since 2008
"Contractual lang din po sa Pinas ang work ko noon. Kahit anong work; fastfood, supermarkets factories. Naisipan ko po mag-abroad kasi eto po yung naisip ko na paraan para po maibigay ko yung mga pangangailanngan ng pamilya ko na di ko po kaya ibigay nung nasa Pinas.
May pamilya na po ako at may 2 anak na babae nag-aaral sila. 16 years old napo at isang 12 years old.
Ngayon, Naibibigay ko po s kanila yung sapat na pagkain na di na po sila kinakapos kahit halos wala po matira sa akin at least sila kahit pa paano maranasan nila magandang buhay. Kasi di naman po habang buhay nasa abroad po tayo.
Yung napundar ko sa totoo lng po sa tagal ko po dito mga gamit lang po sa bahay isang motor Nakakuha rin po ako ng foreclose na bahay sa pagibig na hinuhulugan po nmin buwan buwan. Di naman po kasi kalakihan din ang sahod po dito.
Dami narin ako naransan na hirap dito problema sa pamilya at sakit pero sa awa naman ng Diyos hanggang natayo parin at lumalaban. Kahit laging ngkakasakit dahil exposed lagi sa chemical at alikabok tiis tiis lng po talaga.
OFW sa Qatar, binahagi ang paghihirap na dinaranas sa gitna ng banta ng COVID-19
source: UGC
Source: UGC
Actually ngayon resign napo kmi dahil nga po di na maganda nangyayari sa company namin more than 1 month na po kami wala work ngayon dahil narin sa COVID. Kaso di pa kami mapauwi ng Pinas dahil wala pa po pera ang company namin di namin alam kung hanggang kelan pa po kami diyo. Sana makagawa narin po ng paraan yung company namin para mapauwi na kami pagkatapos ng COVID.
Plano ko po sana pag-uwi ng Pinas makabili nalng po ng isa pang bagong motor para magamit ko sa angkas, food panda rider or grab food po.
S mga kapwa q ofw pagpatuloy lng po natin ung mga ginagawa ntin para s pamilya para s kinabukasan nila minsan kaialangan natin magsakripisyo para future ng mga anak ntin at para nrin makatulong s magulang at kapatid..at s pamilya qpo as long as wala kau sakit at masaya masaya nrin po aq..minsan d maiiwasan n magipit talaga pero kapit lng my awa ang diyos makakaraos din tayo balng araw."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Learn how to dance, have video calls with friends and 5 other things you can do during quarantine that will make you feel better!

7 Useful Things You Should Definitely Do During Quarantine |

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica