Ilang Pinoy, dagsa pa rin sa Blumentritt Market alas-4 pa lang ng madaling araw

Ilang Pinoy, dagsa pa rin sa Blumentritt Market alas-4 pa lang ng madaling araw

- Kahit na may enhanced community quarantine ay dagsa pa rin ang mga tao sa Blumentritt Market

- Kaya naman, mas naging mahigpit ang lokal na pamahalaan upang maobserbahan pa rin ang social distancing

- Simula ngayon ay may ipinatupad na schedule ang awtoridad para sa mga mamimili

- Samantala, nagdagdag na rin sila ng mga entry at exit points upang hindi magkumpol-kumpol ang mga tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dagsa pa rin ang mga Pinoy sa Blumentritt Market ngayong Miyerkules ng madaling araw kahit na may enhanced community quarantine.

Nalaman ng KAMI na mas naging mahigpit na ang awtoridad ngayon sa mga mamimili para maobserbahan ang social distancing.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, alas-4 pa lang ng umaga ay mahaba na ang pila papasok ng palengke.

Nagpatupad ng bagong schedule ang awtoridad para sa mga mamimili:

  • 5AM to 12 NN - Mga residente lang ng Maynila ang pwedeng mamili
  • 12NN to 4 PM – Ang mga residente sa labas ng Maynila lang ang pwedeng mamili
  • 4PM to 7PM – Tanging mga wholesale buyers lang ang pwedeng mamili

Dagdag pa rito ay ipinagbabawal na rin ang pamimili ng mga senior citizen, PWD, at mga buntis. Kailangan naka-face mask ang mga tao at dala ang kanilang quarantine pass.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon ay mahigpit na inoobserbahan ang social distancing sa Blumentritt Market. Nagtala na rin ng karagdagang entry at exit points ang lokal na pamahalaan.

Nasa 344 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila nitong Abril 14, 2020. Samantala, nasa 30 na pasyente naman ang gumaling na at 45 ang pumanaw na dahil sa sakit na ito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Maricar Reyes participated in a hilarious edition of our “Tricky Questions” challenge! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel