Barangay Chairman na inireklamong namimili ng bibigyan ng ayuda, sinugod ng DILG
- Nagsagawa ng surprise inspection ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa opisina ng isang barangay chairman sa Pasay City
- Ito ay matapos may magreklamo sa kanila na namimili umano ang kapitana ng bibigyan ng relief goods sa kanyang mga nasasakupan
- Base sa sumbong, hindi nadadalhan ng tulong ang mga renters at boarders sa lugar dahil mga bontante lamang ng barangay ang nabibigyan ng ayuda
- Ipinaliwag naman ng kampo ng barangay chairman kung bakit hindi nahahatiran ng tulong ang mga nangungupahan sa kanilang barangay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Usap-usapan online ang isang barangay captain sa Pasay City matapos sugurin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kanyang opisina para sa isang surprise inspection.
Inireklamo umano ang barangay chairman na namimili ng bibigyan ng relief goods sa kanyang mga nasasakupan.
Ayon sa reklamo, pawang mga bontante lamang ng kanyang barangay ang binibigyan ng ayuda at hindi nadadalhan ng tulong ang mga renters at boarders sa lugar.
Agad namang nag-viral ang video kung saan makikitang nagdidiskusyon ang kampo ng barangay chairman at mga opisyales ng DILG.
“Parang pagka renters nadi-disregard niyo,” sabi ng isa sa mga taga-DILG na nag-random inspection.
“Ah opo… ay hindi po!” sagot ng nabiglang kapitana.
“Tignan niyo po lahat ng aking pinamigay, almost for renter. Boarder, renter, halos lahat. Botante, hindi bontante binigyan ko ‘yan,” paglilinaw pa ng punong barangay.
Isang kagawad naman ang nagpaliwanag kung bakit may ilang mga nangungupahan sa barangay na hindi nahahatiran ng ayuda.
“Actually po ang problema ganito,” sabi ng kagawad. “Renter, nakatira sa 5th floor ng building, nagtatawag yung mga na-iikot para hinahanap nga ‘yong kung sino pangalan doon.”
“Sandali lang Kagawad ah, putulin ko kayo. Hindi niyo na kinakailangan na tawagin silang bumaba. Pwede namang umakyat, ibigay niyo sa pintuan nila,” sabi ng isang DILG personnel.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
“’Yun nga po nililiwanag ko, pagpunta doon sa aakyatin niya walang tao. Kinakatok nila, walang tao kasi. Kasi ang katwiran nang magkita na kami, ‘ah nasa trabaho kasi ako’,” tugon naman ng kagawad.
Narito ang kabuuan ng video ng kanilang diskusyon na kumalat sa social media:
Sa naunang ulat ng KAMI, ‘Spider-Man’ namimigay ng relief goods sa mga apektado ng enhanced community quarantine.
Kasalukuyang nasa state of calamity ang Pilipinas habang ipinapatupad din sa buong Luzon ang enhanced community quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Maricar Reyes participated in a hilarious edition of our “Tricky Questions” challenge! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh