Babaeng istriktong sumunod sa quarantine, nagpositibo sa COVID-19

Babaeng istriktong sumunod sa quarantine, nagpositibo sa COVID-19

- Sa kabila ng pag-iingat upang hindi mahawaan ng coronavirus, nagpositibo pa rin ang isang babae mula sa North Carolina sa virus

- Sabi pa nito, mahigpit niyang sinunod ang payo ng mga eksperto na hindi lumabas ng bahay

- Sa loob ng ilang linggo ay nanatili lamang ito sa kanyang bahay at maging ang kanilang pagkain ay ipinabibili lamang niya

- Inamin din nito ang labis na natakot na kanyang naramdaman dahil sa banta ng virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng pag-iingat upang hindi mahawaan ng coronavirus, nagpositibo pa rin ang isang babae mula sa North Carolina sa COVID-19.

Ayon kay Rachel Brummert, mahigpit niyang sinunod ang payo ng mga eksperto na hindi lumabas ng bahay simula noong kalagitnaan ng Marso, batay sa ulat ng WCNC.com at Female Network.

Pero kalaunan ay nakaranas na ito ng mga sintomas ng virus tulad ng ubo, lagnat at pananakit ng ulo.

Ngunit sabi nito, hindi agad siya na-test para sa coronavirus dahil hindi pa umano siya umabot sa criteria ng mga nararapat na sumailalim sa test.

Sa loob ng ilang linggo ay nanatili lamang ito sa kanyang bahay at maging ang kanilang pagkain ay ipinabibili lamang niya.

Hindi raw nito alam kung paano niya nakuha ang virus.

Naging maingat din umano siya maging sa pakikisalamuha sa tao kahit sa kanyang asawa na sinabi nitong natutulog sa ibang kwarto.

Pero napag-alamang ang babaeng boluntaryong bumili ng kanilang pagkain ay nagpositibo rin sa virus. Inamin ni Rachel na hindi nga siya nagsuot ng gloves nang kunin ang mga groceries na iniwan ng babae sa labas ng kanilang tirahan.

"I barely had any contact," anito. "I didn't even touch her."

Ayon pa sa ulat, si Rachel ay isa sa mga high-risk patient dahil na-diagnose ito ng autoimmune disorder.

Inamin din nito ang labis na natakot na kanyang naramdaman dahil sa banta ng virus.

"This is the sickest I've ever been and it's the most scared I've ever been. From what I'm hearing about ventilators, it's scary stuff. I'm really hoping I can wait this out at home," sabi pa nito.

"I've had the flu. This is not the flu. It's a whole 'nother monster," dagdag pa nito.

Ang USA ay nakapagtala na ng 614,246 na kaso ng COVID-19 cases. Ito ang pinakamalaking bilang ng positive case sa buong mundo batay sa pinakahuling tala ng Worldometers.

Nakapagtala rin ng mahigit 2,000 pagkamatay dahil sa virus sa loob lang ng isang araw ang bansa.

Sa isa pang report ng KAMI, isang nurse sa New York ang tila hindi na kinaya ang mga pangyayari dahil sa nakamamatay na virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic — HumanMeter

“They had to walk an hour, an hour and a half to get to work. I mean, coming from an 8-hour shift sa hospital. Tapos palalakarin mo pa yung nurse o kahit security guard. Parang hindi makatarungan, diba?”

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel