Ilang senior citizen, kasama sa mga naaresto nang mahuling nagsusugal

Ilang senior citizen, kasama sa mga naaresto nang mahuling nagsusugal

- Sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine dulot ng nakamamatay na coronavirus, mayroon pa ring mga nahuhuling lumalabag dito

- Kabilang na rito ang ilang kalalakihan sa Bacoor Cavite na mayroon pa ngang mga senior citizen

- Ang ilang matatandang lalaki, nahuling nagsusugal sa labas ng kanilang mga bahay na walang suot na face masks at hindi na rin sumusunod sa social distancing

- Una nang sinabi ng mga doktor na kabilang ang mga matatanda sa mga vulnerable sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine sa bansa dulot ng nakamamatay na coronavirus, mayroon pa ring mga nahuhuling lumalabag dito.

Sa Bacoor, Cavite ilang kalalakihan ang nahuling nagsusugal sa labas ng kanilang mga bahay kamakailan na walang suot na face masks at hindi na rin sumusunod sa social distancing.

Kabilang dito ang ilan umanong senior citizen ayon sa ulat ng GMA News (Reporter, Oscar Oida).

Una nang sinabi ng mga doktor na kabilang ang mga matatanda sa mga vulnerable sa COVID-19.

Samantala, mayroon ding nahuli sa lugar na tumatagay sa tapat ng isang tindahan na naaktuhan pa ng mga pulis.

Ayon kay Bacoor Police chief Lieutenant Colonel Vicente Cabatinga, problema na nila ang napupunong kulungan na patuloy na nadadagdagan dahil sa mga pasaway kahit na may ECQ.

Sasampahan naman ng kaukulang reklamo ang mga nahuling lalaki sabi ng opisyal.

Muli rin itong nagpaalala sa publiko na ang lahat ng ito ay para rin sa kaligtasan ng lahat dahil na rin sa banta ng COVID-19.

Sa isa pang report ng KAMI, ilang miyembro naman ng 4Ps ang naaktuhang nagsusugal sa isang burol sa Nueva Ecija sa kabila ng ECQ.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic — HumanMeter

“They had to walk an hour, an hour and a half to get to work. I mean, coming from an 8-hour shift sa hospital. Tapos palalakarin mo pa yung nurse o kahit security guard. Parang hindi makatarungan, diba?”

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel