Aktres na si Sylvia Sanchez at mister, negatibo na sa COVID-19

Aktres na si Sylvia Sanchez at mister, negatibo na sa COVID-19

- Negatibo na sa COVID-19 ang beteranang aktres na si Sylvia Sanchez at mister nitong si Art Atayde

- Lumabas ang kanilang resulta ng test ngayong Martes Abril 14

- Abril 8 nang makumpirmang wala na silang pneumonia at Abril 9 naman nang isagawa sa kanila ang test

- Sa isang video na ginawa ni Sylvia, labis niyang hinahangaan at pinasasalamatan ang mga frontliners na nagsasakripisyo at nagbubuwis- buhay sa mga COVID-19 patients na tulad niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumpirma ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez sa kanyang Facebook page na negatibo na silang mag-asawa sa COVID-19.

Lumabas ang resulta ng isinagawang test sa kanila ngayong Abril 14, Martes.

Abril 8 nang makumpirmang wala na silang pneumonia at kinabukasan, Abril 9 muli silang kinunan ng swab test upang malaman kung wala na rin silang virus.

Matatandaang marso 31 nang ihayag ng aktres na siya at ang asawang si Art Atayde ay tinamaan ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isang video na binahagi ni News 5, pinasalamatan ni Sylvia ang lahat ng frontliners na nagsasakripisyo at nag-aalaga sa tulad niyang isang COVID-19 patient.

Emosyonal niyang pinasalamatan ang mga nurse at doktor na nag-alaga sa kanilang mag-asawa at naging daan para sila ay gumaling.

Nagpasalamat din si Sylvia sa lahat ng nagdasal para sa kanilang mag-asawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon.

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel