34-anyos na lalaking hindi lumalabas ng bahay, pumanaw dahil sa COVID-19

34-anyos na lalaking hindi lumalabas ng bahay, pumanaw dahil sa COVID-19

- Isang 34-anyos na lalaking mula Los Baños, Laguna ang pumanaw sa COVID-19

- Sinasabing madalas lamang daw ito sa kanilang bahay dahil wala raw itong trabaho

- Wala ring travel history ang lalaki kaya naman patuloy pa ring inaalam kung saan niya maaring nakuha ang virus

- Pumanaw ang lalaki noong Abril 8 at nakumpirmang may COVID-19 siya, tatlong araw matapos na siya ay sumakabilang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw ang isang 34-anyos na lalaki sa Los Baños, Laguna na tinamaan ng COVID-19.

Ayon sa GMA News, Abril 8 nang ito ay sumakabilang buhay.

Tatlong araw makalipas na siya ay pumanaw, lumabas ang resulta na positibo pala siya sa COVID-19.

Maigting na isinasagawa ang contact tracing sa mga nakasalamuha nito lalo pa at madalas lamang itong nasa bahay bago siya pumanaw.

Wala raw kasi itong trabaho dahil sa Luzon lockdown. Ngunit napag-alamang mayroong congenital heart disease ang lalaking ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Wala rin daw itong travel history kaya naman palaisipan kung paano nga ba nito nakuha ang virus.

Ayon sa Proud Caviteño, siya ang ikasampung kaso ng COVID-19 sa Los Baños.

Base sa huling tala ng Department of Health, mayroon nang 201 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa naturang lalawigan, apat na ang naka-recover at anim ang naitalang pumanaw kasama na ang lalaki.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon.

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel