Dating mga PUI na ilang beses naudlot ang pag-iisang dibdib, tinuloy ang kasalan online

Dating mga PUI na ilang beses naudlot ang pag-iisang dibdib, tinuloy ang kasalan online

- Unang naudlot ang kanilang kasalan dahil sa pagsabog ng Taal

- Naging mga patients under investigation sila kaya di na naman muli natuloy ang kasal

- Nagdeklara ng Luzon lockdown ang pamahalaan kaya muli na namang naudlot ang kanilang kasalan

- Ngayong naka-enhanced community quarantine parin ang Luzon, wala nang nakapigil pa sa dalawa dahil binasbasan sila ng isang pari online ngunit muli silang ikakasal sa simbahan pag natapos na ang krisis dulot ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng "bagong kasal" na sina Marvin at Chari sa Bride and Breakfast ang pagsubok na kinaharap nila sa kanilang plano na enggradeng kasalan.

Matapos kasi ang makailang beses na pagka-udlot, natuloy na rin ito sa wakas at ginawa ito 'online.'

March 23 talaga ang petsa ng kanilang kasal na orihinal na gaganapin sana sa Tagaytay.

Ngunit dahil sa pagputok ng Taal, Enero ngayong taon, agad na sila noong nagdesisyon na ilipat ang kasalan sa San Agustin Church at sa Shangri-la Fort.

Subalit tila mapaglaro ang tadhana at muli na namang nagkaroon ng rason upang hindi matuloy ang kanilang kasal.

Dalawang linggo bago ang kanilang kasal, pareho silang naging patients under investigation o PUI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod pa rito, nagdeklara ang pamahalaan ng Luzon lockdown kaya naman wala na lalong pag-asa na matuloy pa ang pinakahihintay na pag-iisang dibib.

Laking pasalamat na lamang nina Marvin at Chari nang malamang pareho silang malusog at negatibo naman sa naturang virus.

Isang linggo makalipas sana ang kanilang kasal, pumayag si Fr. Serg ng St. John Eudes House of Formation na maari niyang basbasan ang dalawa na makailang beses nang di natutuloy ang kasalan.

Ginawa ang seremonya sa pamamagitan ng video call sa pari.

Nilinaw ng pari na hindi man ito katumbas ng kasalang ginaganap sa simbahan, ngunit mayroon na ang dalawa ng tinatawag na 'spiritual blessing.'

Dahil dito, nilinaw ng 'bagong kasal' na agad nilang isasagawa ang civil wedding sa oras na maalis na sa quarantine ang buong Luzon.

At ang pinapangarap naman nilang church wedding ay isasagawa bago matapos ang taon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon.

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel