6-anyos, nagsuot ng improvised na PPE para mabati ang amang pulis

6-anyos, nagsuot ng improvised na PPE para mabati ang amang pulis

- Dumurog sa puso ng marami ang larawan ng mag-ama sa Bacolod City na isa sa mga apektado ng enhanced community quarantine

- Sa mga larawang ibinahagi ng ina ng bata, makikita ang 6-anyos na nakasuot ng improvised na PPE dala ang isang cake

- Nais kasi nitong mabati ang ama sa araw ng kaarawan nito kahit sa maiksing panahon lamang

- Mabilis na nag-viral ang social media post na ito na larawan ng sakripisyo ng isang frontliner at pagmamahal ng isang musmos na walang kamalay-malay sa tunay na nagaganap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog ng puso ang mga larawang ibinahagi ng netizen na si Joly Marie Garces Masa tungkol sa kanyang mag-ama.

Sa Facebook post ni Masa, makikita ang anak na si Ali habang nakasuot ng improvised na personal protective equipment (PPE) na gawa sa plastic.

Ayon pa sa ginang, tiniis ng bata ang mainitan dahil nais nitong mabati ang ama na isang pulis sa kaarawan nito.

Dala ang isang cake at ang liham na isinulat nito ay nilapitan nito ang ama na hindi man lang nayakap ang anak.

Paglilinaw naman ni Masa, tumagal lamang ng tatlong minuto ang usapan ng mag-ama dahil na rin sa pag-iingat.

"Please stay at home, so that these frontliners can go home to their kids waiting every single day for them to arrive.

"Please stay at home so that you can save the frontliners' lives at stake. Please stay at home for the kids to hug their parents once again. Please stay at home because these frontliners missed their families so much," anito.

Mabilis na nag-viral ang social media post na ito na larawan ng sakripisyo ng isang frontliner at pagmamahal ng isang musmos na walang kamalay-malay sa tunay na nagaganap.

Kasalukuyang umiiral ang enhanced community quarantine sa bansa upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19.

Bilang mga frontliner, marami sa mga pulis at sundalo ang hindi makauwi sa kanilang pamilya dahil sa takot na mahawaan ang mga ito.

Sa isa pang report ng KAMI, isa ring batang babae ang sinuotan ng kanyang lolo ng plastic para mayakap ng kanyang ama na isang pulis.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic — HumanMeter

“They had to walk an hour, an hour and a half to get to work. I mean, coming from an 8-hour shift sa hospital. Tapos palalakarin mo pa yung nurse o kahit security guard. Parang hindi makatarungan, diba?”

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel