Liquor ban: Inimbentong alak na may halong thinner, ikinasawi ng 2

Liquor ban: Inimbentong alak na may halong thinner, ikinasawi ng 2

- Patay ang dalawang lalaki habang isa naman ang kritikal matapos uminom ng alak na gawa sa kape, suka, softdrinks at paint thinner

- Inakala pa raw ng mga rumespondeng barangay na kaso ng COVID-19 ang mga ito dahil nahirapan umanong huminga ang mga ito

- Pero ayon sa kapatid ng isa sa kanila, ilang araw na umanong umiinom ang tatlo ng inimbento nilang alak hanggang sa may nakaisip na haluan ito ng thinner na nakalalason

- Kasalukuyang umiiral ang liquor ban sa bansa dahil sa enhanced community quarantine dulot ng coronavirus pandemic

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasawi ang dalawang lalaki habang kritikal naman ang lagay ng isa matapos uminom ng alak na gawa sa kape, suka, softdrinks at paint thinner sa Baseco Compound, Manila.

Inakala pa raw ng mga rumespondeng barangay na kaso ng COVID-19 ang mga ito dahil nahirapan umanong huminga ang mga ito.

Base sa ulat ni Chino Gaston ng GMA News, kinilala ang tatlong lalaki na sina Rene, Boboy, at Dandy.

Ayon sa kapatid ng isa sa kanila, ilang araw na umanong umiinom ang tatlo ng inimbento nilang alak hanggang sa may nakaisip na haluan ito ng thinner na nakalalason noong Linggo.

Kinabukasan, nakita na lamang nito ang kapatid na nakabulagta at bumubula ang bibig.

Habang ang isa naman ay pagapang pa umanong lumabas dahil sa wala raw itong makita. Pupunta raw sana ito sa ospital ngunit kinalaunan ay natagpuang nakabulagta na sa kalsada.

Ang isa naman ay kritikal ang lagay at patuloy na mino-monitor sa Philippine General Hospital.

Kilala rin umano ang mga ito na madalas uminom sa kanilang lugar.

Ang paint thinner ay hindi dapat na iniinom dahil ito ay lubhang nakalalason. Maaari nitong masira ang puso, atay, baga, tiyan, kidneys at nervous system.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang report ng KAMI, isa namang miyembro ng LGBTQ ang nag-viral matapos lumabag sa curfew at liquor ban.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic — HumanMeter

“They had to walk an hour, an hour and a half to get to work. I mean, coming from an 8-hour shift sa hospital. Tapos palalakarin mo pa yung nurse o kahit security guard. Parang hindi makatarungan, diba?”

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel