Labi ng PUI, inabandona sa sementeryo; pamilya, naghihinagpis

Labi ng PUI, inabandona sa sementeryo; pamilya, naghihinagpis

- Naghihinagpis ang isang pamilya sa Laguna matapos abandonahin umano ng isang punerarya ang mga labi ng kanilang kaanak

- Ayon sa mga ito, pinaghinalaang isang PUI o Person Under Investigation ang nasawi na kanila namang itinanggi

- Sa pamamagitan ng social media, nanawagan ng hustisya ang pamilya sa hindi makatarungang sinapit ng kanilang kaanak

- Samantala, itinanggi naman ng inakusahang punerarya ang mga paratang sa kanila bagamat sinabing iniwan nga sa sementeryo ang bangkay dahil sa protocol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naghihinagpis ang isang pamilya sa Laguna matapos abandonahin umano ng isang punerarya ang mga labi ng kanilang kaanak.

Batay sa kanilang mga social media post, ang nasawi ay suspected case o PUI (Persons Under Investigation) ng coronavirus disease na mariin na nilang itinanggi.

Base sa death certificate ni Beltran, nasawi ito dahil sa congestive heart failure, acute respiratory failure at pneumonia.

Ayon kay Jean Maravilla, kapatid ng nasawing si Tirso Beltran, wala umanong sinabi ang Unihealth Southwoods Hospital and Medical Center, Biñan, Laguna, na isang PUI si Beltran.

Matagal na raw itong may sakit sa baga at puso.

Sa pamamagitan ng social media, nanawagan ng hustisya ang pamilya sa hindi makatarungang sinapit ng kanilang kaanak mula sa Cardona Funeral Homes.

"Ganun po pala, 'pagka mahirap kang tao pwede ka na lang babuyin hanggang sa iyong kamatayan," sabi ni Maravilla sa isang Facebook video.

Giit pa ng ginang, sinabi umano ng may-ari ng nasabing punerarya na walang kabaong at deretso lang sa sementeryo ang bangkay ni Beltran.

Sabi pa nito, nakikipag-areglo diumano sa kanila ang punerarya ngunit ang kailangan nila ay hustisya at hindi pera mula rito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isang report ng Daily Tribune (Author, Michelle R. Guillang), nagbigay ng pahayag ang Cardona Funeral Homes at mariing itinanggi ang mga paratang ni Maravilla.

Ayon sa representative nito na si Jazztine Cardona, sumusunod lamang sila sa protocol. Sinabihan din umano sila ng ospital na isang PUI ang namatay.

“There was no death certificate provided to us because our worker was told that the deceased was under investigation for COVID-19,” anito.

“We are (just) following the protocol of the municipal health officer and the government that the body can only be transferred to the coffin inside the cemetery. We can’t prepare the body inside the funeral parlor if the person was a PUI,” dagdag pa nito.

Iginiit din ni Cardona na agad din nilang binalikan ang mga labi matapos kumuha ng kabaong para rito. Maayos din daw nilang binihisan ang mga labi at inilibing noong araw na iyon.

Sa isang video na ibinahagi ni Jackie Maravilla, makikita nang ayusan ng ilang kalalakihan ang katawan. Mapapansin din na walang suot na Personal Protective Equipment (PPE) ang mga ito kahit na nasabing isang PUI ang nasawi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic — HumanMeter

“They had to walk an hour, an hour and a half to get to work. I mean, coming from an 8-hour shift sa hospital. Tapos palalakarin mo pa yung nurse o kahit security guard. Parang hindi makatarungan, diba?”

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel