11 na taong lansangan sa Valenzuela, nasagip at may maayos nang tinutuluyan

11 na taong lansangan sa Valenzuela, nasagip at may maayos nang tinutuluyan

- Nabigyan ng masisilungan ang 11 na mga taong langsangan sa Valenzuela City

- Bahagi ito ng "Oplan Sagip" ng kanilang lugar na naglalayong mabigyan ng masisilungan ang mga walang tirahan na nasa lansangan pa rin

- Sagot ng pamahalaan ng Valenzuela ang pagkain at iba pang pangangailangan ng mga nasagip na ito

- Lubha kasing mapanganib kung nasa lansangan pa rin ang mga taong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napaluhod ang matandang lalakeng ito bilang pasasalamat sa mga social worker na nagdala sa kanya sa Pisces Resort Hotel sa Valenzuela City.

Isa ang lolo na ito sa 11 nai-alis ng mga social worker sa lansangan dahil labis na mapanganib para sa mga ito ang pananatili pa rin sa labas dahil sa banta ng COVID-19.

Bahagi ito ng "Oplan Sagip" ng naturang munisipalidad para matulungan ang mga taong lansangan na wala namang tirahan.

Bukod sa maayos na masisilungan, sagot din ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang pakain at iba pangangailangan ng mga nasagip na ito.

Ayon pa sa ABS-CBN, libre ng pagpapatuloy sa mga ito ng naturang hotel hangga't nakataas parin ang enhanced community quarantine sa karamihang bahagi ng bansa partikular na sa Luzon.

Tulad na lamang ng naunang naiulat ng KAMI kung saan nasagip naman ang ilang pamilya sa kahabaan ng Roxas Boulevard na mga walang tirahan.

Nailipat sila sa Delpan Sports Complex kung saan may mas maayos silang masisilungan at may dumarating din sa kanilang tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Maynila.

Makikita sa mga larawan ng Philippine Star na may ilang tila ayaw lumisan sa lugar ngunit kalaunan ay naisama rin sila dahil na rin sa matinding pagpapaliwanag tungkol sa panganib na dala ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon.

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel