64-anyos na nurse sa PGH, minabuting mag-self quarantine para sa kaligtasan ng pamilya

64-anyos na nurse sa PGH, minabuting mag-self quarantine para sa kaligtasan ng pamilya

- Minabuti nang magself-quarantine ang isang 64-anyos na nurse sa Philippine General Hospital

- Ginawa niya ito upang ilayo sa kapahamakan ang kanyang inuuwiang pamilya

- Hindi nangangahulugang may virus ang nurse ngunit naniniguro lamang siya upang maprotektahan ang mga mahal sa buhay

- Dalawang linggo na niya itong ginagawa ayon sa kanyang anak

- Nilinaw din ng anak nito na maayos naman ang ina kahit hindi nila madalas kasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagdesisyon na ang 64-anyos na nurse at frontliner ng Philippine General Hospital na si Alita Gonzales na magself-quarantine para sa kaligtasan ng kanyang pamilya.

Maaalala sa unang ulat ng KAMI, si Alita ang nurse na sa kabila ng pagiging senior citizen ay hindi paawat sa paglilingkod bilang isang nurse.

Hinangaan noon pa man si Alita dahil sa katapangang kanyang pinakikita kahit alam niyang mapanganib sa katulad niya ang ma-expose sa lugar na may mga taong may COVID-19 tulad ng ospital.

Dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa lalo na sa ospital kung saan siya nagbibigay serbisyo, minabuti niya magself-isolate para sa kanyang pamilya.

Hindi nangangahulugang may virus na siya, ginagawa niya ito bilang pag-iingat dahil hindi nakikita ang kalaban.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa kanyang anak na si Maricon base sa ulat ni Tristan ng CNN Philippines, mahirap para sa kanila ang ginagawa ng ina ngunit sinabi naman niyang maayos naman ang lagay nito.

"Imagine kakain kayo sa hapagkainan, siya mag-isa kumakain. Lahat kami nanonood ng TV, siya mag-isa sa kwarto," pahayag ni Maricon.

Dala ng pagmamahal niya sa mga anak at apo, tinitiis ni Alita ang pansumandaling mawalay sa kanila.

36 na taon nang nurse sa PGH si Alita ang nakatakda na siyang magretiro sa susunod na taon.

Hindi rin ito paawat sa serbisyo niya bilang nurse sa kabila ng panganib na dala ng COVID-19 dahil ito raw ang kanyang sinumpaang tungkulin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon.

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel