Pinoy nurse sa New York, pumanaw dahil sa COVID-19

Pinoy nurse sa New York, pumanaw dahil sa COVID-19

- Isa na namang Pinoy frontliner ang pumanaw sa New York dahil sa COVID-19

- 13 araw din siyang nakipaglaban sa virus ngunit sa kasamaang palad ay pumanaw din ito

- Pinaniniwalaang ang hindi agad nila paggamit ng personal protective equipment o PPE ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng virus

- Masasabing maswerte pa rin ang misis nito dahil napagbigyan siyang dalawin ang mister ngunit kailangan niyang magsuot ng PPE upang hindi siya basta mahawa rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw ang isang Pinoy nurse sa New York na nakipaglaban din sa COVID-19.

Kinumpirma ito ng kanyang misis na si Romielyn sa panayam sa kanya ni Raffy Tima sa programang 24 oras.

Isa umano ang 44-anyos na nurse na ito sa mga frontliners ng Long Island Community Hospital.

Ayon sa misis nito, pinaniniwalaang ang hindi agarang paggamit ng personal protective equipment ang nakikitang dahilan kung bakit nagkaroon ang kanyang mister ng COVID-19.

Tumagal din ito ng 13 araw sa ospital bago tuluyang sumakabilang buhay.

Sa unang test na isinagawa kay Dennis, negatibo naman daw ang resulta.

Ngunit nang ito ay inulit dahil na rin sa matinding mga sintomas na kanyang dinaranas, nagpositibo naman ito.

Pinoy nurse sa New York, pumanaw dahil sa COVID-19

source: Romielyn Guillermo
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Masasabing maswerte pa rin si Romielyn dahil nabisita niya ang kanyang mister, tatlong beses bago ito pumanaw.

"I was able to visit him thrice pero talagang straight with PPE and everything protective gears na ganyan," paliwanag niya.

Ayon pa sa ulat ng Newsday, may balak pa naman daw sanang makauwi ng Pilipinas ni Dennis.

Agad namang na-cremate ang bangkay nito bilang bahagi ng protocol sa mga pumapanaw na COVID-19 patients.

Base sa naitalang bilang ng Department of Foreign Affairs, 654 na mga Pilipino na sa ibang bansa ang tinamaan din ng COVID-19.

188 sa mga ito ang naka-recover habang 84 na ang naitalang pumanaw kasama si Dennis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon.

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel