10 araw na gulang na sanggol sa Batangas, tinamaan ng COVID-19

10 araw na gulang na sanggol sa Batangas, tinamaan ng COVID-19

- Ika-18 kaso ng COVID-19 sa Lipa, Batangas ang 10 araw na gulang na sanggol

- Negatibo ang ina nito sa COVID-19 kaya inaalam pa kung saan nahawa o saan nakuha ng sanggol ang virus

- Matatandaang ang ika-15 COVID-19 case sa Lipa at isang 23 araw na gulang na sanggol na pumanaw na

- Umaasa ang lahat na malalampasan ito ng sanggol at gagaling ito sa lalong madaling panahon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 10 araw na gulang na sanggol ang tinamaan ng COVID-19 sa Lipa, Batangas.

Kinumpirma ito ng kanilang alkalde na si Mayor Eric Africa sa kanyang Facebook post.

Sa kanyang update ngayong araw, Abril 13 sinabi niyang ika-18 kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar ang sanggol.

Bagama't kumpirmadong positibo na ang baby sa nasabing virus, lumabas naman sa swab testing na negatibo ang kanyang ina.

Dahil dito, maigting na contact tracing ang gagawin upang malaman kung saan maaring nakuha ng sanggol ang COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, maaalalang una nang naiulat ng KAMI ang 23 araw na gulang na sanggol mula Lipa, na nagpositibo rin sa COVID-19.

Ngunit napag-alaman lamang na nagpositibo ito apat na araw mula nang siya ay pumanaw.

Umaasa ang marami na ang patient number 18 ng Lipa ay gagaling sa lalong madaling panahon.

Samantala, nagbigay pag-asa ang bilang ng mga naka-recover ngayong araw sa COVID-19.

Kung kahapon, 40 ang naitalang recoveries, ngayon araw naman ay umabot na ito sa 45.

Umaasa ang mga Pilipino na lalo pa itong tataas sa mga susunod na mga araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon.

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel