Di na kinaya! Nurse, bumigay na dahil sa kalunos-lunos na sitwasyon

Di na kinaya! Nurse, bumigay na dahil sa kalunos-lunos na sitwasyon

- Hindi na kinaya ng nurse na si D'neil Schmall ang kalunos-lunos na sitwasyon dahil sa coronavirus pandemic

- Sa pamamagitan ng isang video, naglabas ng kanyang nararamdaman ang nurse na kasalukuyang nagta-trabaho sa isang ospital sa New York

- Emosyonal si Schmall dahil sa araw-araw na tanawin na kanyang nakikita kabilang na ang pagkamatay ng mga pasyente at ng mga kasamahang frontliner

- Nakiusap naman ito sa publiko na mas maging maunawain sa lahat lalo sa panahong ito na ang lahat ay apektado ng krisis dahil sa virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila hindi na kinaya pa ng nurse na si D'neil Schmall ang pigilin ang kanyang damdamin dahil sa kalunos-lunos na sitwasyon ng marami dahil sa coronavirus pandemic.

Isa si Schmall sa mga frontliners na pilit lumalaban para mailigtas ang mga pasyenteng nahawaan ng virus.

Sa pamamagitan ng isang video na ni-reupload ng Daily Mail, naglabas ng kanyang nararamdaman ang nurse na kasalukuyang nagta-trabaho at nakatalaga sa emergency room at intensive care unit ng isang ospital sa New York.

Emosyonal na ibinahagi nito ang nakakalungkot na tanawin sa isang katulad niya dahil sa kaliwa't kanang pagkamatay ng mga pasyente at mga kasamahan niyang frontliner.

"I just feel like there's only so much that anyone can take," anito habang umiiyak.

"I'm tired. I'm walking into rooms and 'your patient is dead'. You just walk into a room and there's a dead body in there," ani pa nito.

Dagdag pa nito, tila nakalimutan na rin ng iba na tao lamang sila at nakararamdam din ng sakit dulot ng kalunos-lunos na sitwasyong ito.

Nakiusap naman ito sa publiko na mas maging maunawain sa lahat lalo sa panahong ito na ang lahat ay apektado ng krisis dahil sa virus.

Ang USA ang may pinakamalaking bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa kasalukuyan. Mayroon itong 560,433 kaso at 22,115 na ang nasawi ayon sa pinakahuling update ng Worldometers.

Sa isa pang ulat ng KAMI, nagluluksa naman ang isang lalaki sa New York matapos magkasunod na pumanaw ang kanyang ina at kapatid dahil sa coronavirus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic

“They had to walk an hour, an hour and a half to get to work. I mean, coming from an 8 hour shift sa hospital. Tapos palalakarin mo pa yung nurse o kahit security guard. Parang hindi makatarungan, diba?”

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel