Pilipinas, may pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases sa Southeast Asia

Pilipinas, may pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases sa Southeast Asia

- Nangunguna na ang Pilipinas sa may pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia

- Sinundan ito ng Malaysia at Indonesia na halos magkakadikit na ang sa mahigit 4,000 ang bilang

- Naitala ngayong araw ang pinakamataas na bilang ng mga naka-recover sa Pilipinas

- Umaasa ang mga Pilipino na patuloy pang tataas ang bilang ng mga naka-recover sa mga susunod pang mga araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halos limang libo na ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, ang Pilipinas na ang nangunguna sa Southeast Asia na may pinakamaraming tinamaan ng COVID-19

Ayon sa pinakahuling datos na nilabas ng worldometers, sumunod sa Pilipinas ang Malaysia na may 4,817 na COVID-19 cases at pumangatlo naman ang Indonesia na may 4,241.

Mapapansing halos magkakalapit na ang bilang ng tatlong bansa sa Southeast Asia na mayroong mahigit na 4,000 na COVID-19 patients.

Dagdag pa ng Esquire mag, Pilipinas din ang mga pinakamaraming bilang na pumanaw dahil sa naturang virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa huling tala na inilabas ng Department of Health, 315 na ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 habang 242 naman ang kabuuang bilang ng naka-recover.

Gayunpaman, nagkaroon ng pag-asa ang mga Pilipino dahil sa dalawang magkasunod na araw (Abril 12-13) ay may mataas na bilang na recoveries ang nadagdag.

Umaasa ang marami na sa mga susunod na araw, ay patuloy na tataas pa ang bilang ng mga makaka-recover.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon.

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel