3 miyembro ng 4Ps at iba pa, arestado sa 1 burol habang nagsusugal

3 miyembro ng 4Ps at iba pa, arestado sa 1 burol habang nagsusugal

- Ilan pang miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang naaresto sa isang burol sa Nueva Ecija na naaktuhang nagsusugal

- Bago ito, may naiulat na ring tatlong babaeng miyembro rin ng 4Ps ang naaresto ng mga awtoridad dahil sa sugal

- Sa gitna ito ng pakiusap ng gobyerno na manatili na lamang ang lahat sa bahay para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease

- Naging mainit sa mata ng ilang Pinoy ang mga miyembro ng 4Ps matapos ang mga kontrobersyal na pahayag ng ilan sa kanila ukol sa ayudang mula sa pamahalaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilan pang miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang inaresto ng mga awtoridad noong April 10 matapos maaktuhang nagsusugal sa isang burol sa Nueva Ecija.

Nilabag ng mga ito ang Presidential Decree 1602 (Illegal Gẳmbling) at ang umiiral na enhanced community quarantine.

Una nang naiulat ng KAMI nang maaresto rin ang tatlong babaeng miyembro ng 4Ps dahil din sa pagsusugal.

Sa gitna ito ng pakiusap ng gobyerno na manatili na lamang ang lahat sa bahay para maiwasan ang pagkalat pa ng coronavirus disease.

Batay sa ulat ng Facebook page ng Pulisya Ng San Jose, 15 katao kabilang ang tatlong miyembro ng 4Ps, ang naaresto sa isang lamayan sa Barangya Sibut, San Jose City sa pangunguna ni PLTCOL Herlyl Bruno.

Isa ang San Jose City sa mga naka-lockdown ngayon sa Nueva Ecija dahil sa banta ng coronavirus ayon sa isang report ng Philippine News Agency.

Matatandaang naging mainit sa mga mata ng ilang Pinoy ang mga miyembro ng 4Ps matapos ang mga kontrobersyal na pahayag ng ilan sa kanila ukol sa ayudang mula sa pamahalaan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic

“They had to walk an hour, an hour and a half to get to work. I mean, coming from an 8 hour shift sa hospital. Tapos palalakarin mo pa yung nurse o kahit security guard. Parang hindi makatarungan, diba?”

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel