DepEd Secretary Briones, masayang inanunsyo ang paggaling mula sa COVID-19

DepEd Secretary Briones, masayang inanunsyo ang paggaling mula sa COVID-19

- Naglabas ng opisyal na pahayag si DepEd Secretary Leonor Briones sa resulta ng pinakahuling swab test na ginawa sa kanya

- Masaya niyang inanunsyo na negatibo na siya sa COVID-19

- Nagpasalamat siya sa lahat ng mga nagdasal upang mapabilis ang kanyang paggaling mula sa naturang virus

- Bagaman at negatibo na ang kanyang huling test, mananatili pa rin siyang naka-self quarantine sa loob ng isang linggo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas ng opisyal na pahayag si Department of Education Secreatary Leonor Briones tungkol sa kanyang kalagayan laban sa COVID-19.

Maaalalang nitong nakaraang Huwebes, Abril 9 ay pinahayag niyang nag-positibo siya sa naturang virus ngunit laking pasalamat pa rin na siya ay 'asymptomatic.'

Siniguro niya na kahit siya ay tinamaan ng virus, patuloy pa rin ang kanyang trabaho bilang pinuno ng Kagawaran ng Edukasyon.

Ngayon, Abril 13 ilang araw lamang ang lumipas matapos niyang kumpirmahin ang balitang positibo siya, bumungad ang text ni Health Secretary Francisco Duque III at sinabi nitong negatibo na si Briones sa COVID-19.

Sa pinakahuling swab testing na ginawa sa kanya, tuluyan na ngang nakawala sa kinatatakutang virus ang DepEd Secretary.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang kanyang self-quarantine sa loob ng isang linggo pa.

Sa kanyang opisyal na pahayag, nagpasalamat siya sa lahat ng mga nagdasal para sa kanyang agarang paggaling.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang mahigit tatlong milyong mga nagpadala sa kanya ng mga mensahe ng pag-asa ay kanyang pinasalamatan.

Hangad din niya na mapagtagumpayan na ng ating bansa ang krisis na dulot ng COVID-19.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Samantala, ngayon ding araw inanunsyo ni Sec. Briones na walang magaganap na graduation saan mang bahagi ng bansa.

Bagaman at sa buong Luzon at ilang bahagi ng bansa lamang ang naka-enhanced community quarantine, minabuti niyang hindi muna ituloy ang gradution rites sa buong bansa.

Nilinaw niyang maari pa rin naman daw itong maisagawa kung matapos na ang quarantine period.

Sa ngayon, wala pa rin pormal na desisyon ang naturang kagawaran kung matutuloy ang pasukan sa Hunyo.

Pinakamaagang anunsyo na kanilang gagawin ay mangyayari sa unang linggo ng Mayo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon.

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic |

Source: Kami.com.ph

Online view pixel