Composer na naka-recover sa COVID-19, hinarana ng mga frontliners ng sarili niyang kanta

Composer na naka-recover sa COVID-19, hinarana ng mga frontliners ng sarili niyang kanta

- Naka-recover sa COVID-19 ang composer ng kantang "Lead Me Lord" na pinasikat ni Basil Valdez

- Sa tuwa, kinantahan siya ng mga frontliners ng ospital kung saan siya na-admit ng kantang kanyang sinulat

- Inaalay din daw ng mga frontliners ang awitin sa iba pang mga gumaling sa COVID-19

- Isa ang Composer-arranger Arnel de Pano sa anim na naitalang naka-recover sa Marikina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng isang frontliner ang video ng kanilang munting handog sa Composer-arranger na si Arnel de Pano dahil isa ito sa mga gumaling mula sa COVID-19.

Sa Facebook post ng frontliner na si Charmer Ibones Pasa, makikitang hinarana nila ang composer na sarili nitong komposisyon na "Lead Me Lord."

Ang kantang ito ay pinasikat ni Basil Valdez at tila akmang-akma sa pinagdaanan ng kompositor.

Makikitang naki-kanta rin si de Pano sa mga frontliners.

Kuha raw ito ilang minuto bago siya ma-discharge sa Marikina Valley Medical Center.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kapansin-pansin ang sigla ng composer na litaw na litaw ang tagumpay laban sa virus.

Isa si de Pano sa anim na naitalang naka-recover sa Marikina City nitong nakaraang Linggo.

Samantala, nagbibigay pag-asa naman ang patuloy na tumataas na bilang ng mga nakaka-recover sa COVID-19 bansa.

Kahapon Abril 12, mayroong 40 na naitalang new recoveries ang Department of Health.

Ngayong Lunes, Abril 13, 45 naman ang dumagdag sa mga gumaling sa COVID-19.

Umaasa ang lahat ng patuloy ang pagtaas ng bilang ng recoveries sa mga susunod na araw at panalangin din ng marami na wala nang maitalang pumanaw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon.

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel