Brgy. official na PUI, nagpa-party at nag-mall pa ayon sa awtoridad

Brgy. official na PUI, nagpa-party at nag-mall pa ayon sa awtoridad

- Isang residente at opisyal ng barangay sa Barangay Lumbayao, Valencia City ang posibleng maharap sa kaso matapos nitong lumabag sa quarantine protocol bunsod ng coronavirus pandemic

- Isa kasi ito sa itinuturing na PUI o Persons Under Investigation para sa virus matapos itong makaranas ng mga sintomas nito

- Bukod sa pagpapa-party nito para sa kanyang kaarawan noong nakaraang linggo, napag-alamang pumunta pa ito sa mga pampublikong lugar tulad ng mall at banko

- Lumabas din sa imbestigasyon na itinanggi nito ang travel history nito nang sumailalim ito sa laboratory test sa isang ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang residente at opisyal ng barangay sa Barangay Lumbayao, Valencia City sa Bukidnon ang posibleng maharap sa kaso matapos nitong lumabag sa quarantine protocol bunsod ng coronavirus pandemic.

Batay sa ulat ng CNN Philippines, isa ito sa itinuturing na PUI o Persons Under Investigation para sa virus matapos itong makaranas ng mga sintomas nito.

Lumabas sa imbestigasyon na noong Marso 12, pumunta ang opisyal na ito sa isang sabungan sa Matina Gallera, Davao City.

Ito ang hinihinalang ground zero ng virus transmission sa Davao Region.

Makalipas ang 10 araw, itinuring itong PUM o Persons Under Monitoring kasama ng tatlo pang tao mula sa Valencia City, matapos manawagan ng Davao government na mag-isolate ang lahat ng pumunta sa naturang derby.

Noong Marso 25, nakaranas na ang opisyal na ito ng mga sintomas ng COVID-19 tulad ng lagnat, ubo, at diarrhea kaya naman na-classify ito bilang PUI.

Ayon pa sa ulat, ang Valencia City Task Force Against COVID-19 ang nag-rekomenda na sumailalim sa swab test ang naturang opisyal.

Pero, bago pa man lumabas ang resulta ng test nito, lumabas sa imbestigasyon na nagpa-party pa ito sa kanyang bahay noong nakaraang linggo.

Bukod dito, pumunta pa ito sa mga pampublikong lugar tulad ng banko at mall, nagtrabaho pa at nakisalamuha pa sa ilang tao.

Nadiskubre rin na itinanggi nito ang travel history nito nang sumailalim ito sa laboratory test sa isang ospital.

Ayon sa isa pang ulat ng CNN, naka-lockdown na ang Barangay Lumbayao sa utos ni Mayor Azucena Huervas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan lang, binatikos ng mga Pinoy si Senator Aquilino "Koko" Pimentel nang lumabag ito sa quarantine protocol kahit isa siyang PUI at kalaunan ay nag-positibo na sa COVID-19, na una nang naiulat ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic

“They had to walk an hour, an hour and a half to get to work. I mean, coming from an 8 hour shift sa hospital. Tapos palalakarin mo pa yung nurse o kahit security guard. Parang hindi makatarungan, diba?”

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel