Ayaw paawat! Video ng mga taong nagsisiksikan at nanood ng pa-boksing, viral sa social media

Ayaw paawat! Video ng mga taong nagsisiksikan at nanood ng pa-boksing, viral sa social media

- Usap-usapan ngayon ang isang video sa Facebook kung saan makikitang siksikan ang tao sa kabila ng pagbabawal ng pagtitipon ng mga tao

- Makikita sa nasabing video na may dalawang tao na naglalaban habang nanunuod ang mga tao sa kanila

- Umani ng negatibong komento at reaksiyon ang nasabing video na ngayon ay kumalat na sa social media

- Kasalukuyang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Luzon kaya ipinagbabawal ang mga pagtitipon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng pa-ulit-ulit na paalala tungkol sa social distancing at pananatili sa loob ng bahay, hindi nagpapigil ang ilang residente na lumabas at makipagsiksikan sa panonood ng isang boxing match.

Ayon sa video na ibinahagi sa Facebook Page na I-Viral Mo, tila hindi pa nabahala ang mga tao sa nasabing lugar matapos may mag positibo sa COVID-19 sa nasabing lugar.

Gaano po kasaya sa lugar nyo?? Eto samin ohh walang covid covid dito, may paboksing pa ang mga hinayupak, only in the Philippines tlaga. May kakapositive lng dito sa lugar namin pero parang balewala lng sa kanila

Kabilang sa ipinag-uutos ng pamahalaan ang manatili sa loob ng mga tahanan at kung maari ay sundin ang panuntunan kagaya ng social distancing at pagsuot ng face mask upang maisawan ang pagkalat ng coronavirus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang isinailalim sa community quarantine ang Metro Manila noong Marso matapos mapatunayang nagkaroon na ng local transmission. Kasunod nito pinaigting pa ang pagpapatupad ng quarantine at iniurong sa April 30 ang nakatakdang pagtatapos ng quarantine.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel