Ilang seafarers, itinaboy ng ilang residente malapit sa hotel na tutuluyan nila

Ilang seafarers, itinaboy ng ilang residente malapit sa hotel na tutuluyan nila

- Ilang seafarers ang dumating kamakailan sa bansa ngunit hindi pa makauwi sa kani-kanilang mga lugar

- Ito ay dahil sa ipinapatupad na community quarantine na nagbabawal sa mga pampublikong sasakyan na bumiyahe

- Isang grupo ng seafarers ang itinaboy ng ilang residente malapit sa hotel na nakatakda sana nilang tuluyan

- Nauna nang ipinaliwanag ni Sec. Nograles na natapos na ang quarantine at nabigyan na ng certificate ang mga OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakaranas ng diskriminasyon ang grupo ng mga seafarers matapos silang itaboy sa isang hotel na kanila sanang tutuluyan.

Dahil sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, hindi pa makakauwi sa kani-kanilang probinsiya ang mga OFW na dumating kamakailan sa bansa.

Nauna rito naipaliwanag na ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na natapos na ang quarantine period at nabigyan na rin ng certfificate ang mga OFW bago pa man sila nakauwi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makikita sa Facebook Live ng Facebook user na si Juancho Matias kung paano sumigaw sigaw ang isang residente dahil ayaw nilang doon mamalagi ang mga seafarers.

Marami ang umalma dahil sa nangyari sa mga OFW na tinuturing din na makabagong bayani. Narito ang ilang reaksiyon mula sa netizens:

Wala ba security dyan. Pambihira naman pagtrato yan. Pag pasensyahan nyo na lang. Alam nyo sa sarili nyo na wala kayo ginagawa dyan na masama
Grabe namn yan! Discrimination is real talaga dto satin. Hays. Ingat nlng kayo jan matty. Grabe nkakagalit yan.
Grabe naman ung mga taong yan tumawag kayo sa kinauukulan para maayos yan.

Dahil sa takot na dulot ng Pandemya, marami ang nakararanas ng diskriminasyon. Kasalukuyang namiminsala ang COVID-19 sa maraming bansa na naging sanhi ng pagkasawi ng libo-libong katao.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel