Sundalo, saglit na umuwi upang makita ang mga anak matapos ang isang buwan

Sundalo, saglit na umuwi upang makita ang mga anak matapos ang isang buwan

- Marami ang naantig sa isang video ng isang sundalo na umuwi sa kanyang pamilya matapos ang isang buwan na pagkakadestino sa Maynila

- Sakay sa kanyang motor, dala-dala niya ang kanyang pasalubong para sa kanyang pamilya na matagal niyang hindi nakasama

- Gayunpaman, hindi man lang niya nagawang mayakap o mahawakan ang kanyang mga anak dahil sa posibilidad na maaring makapitan sila ng coronavirus

- Matapos ibaba ang mga pasalubong at sumenyas ng pagyakap sa kanyang anak, kinailangan niya na ring bumalik sa Maynila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa isang tagpo kung saan umuwi ang isang sundalo sa kanyang pamilya matapos ang isang buwan ng pagkakadestino malayo sa kanyang pamilya.

Isa-isa niyang ibinaba ang kanyang mga pasalubong para sa kanyang mga anak pero hindi niya ito maiabot sa kanila dahil sa hindi siya pwedeng lumapit sa kanila.

Bilang isang frontliner, ang mga sundalo ay ilan lamang sa mga taong nakakasalamuha ng maraming tao na maaring positibo sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang naantig lalo na nang sumenyas ang sundalo na parang gustong-gusto niyang yakapin ang kanyang pamilya. Kinailangan din niyang bumalik agad sa Maynila para sa kanyang trabaho.

Narito ang ilang reaksiyon ng mga netizens:

It's heart breaking to see this I feel there's so much love and longing to be with each other. You're brother is such a great man
Naiyak ako
KuyA! saludo ako sayo. Kaya ang kapalit ng hirap at pagtyatyaga nyo ay ang pagsunod ssla gobyerno. We will stay at home. #StatSafe #StayAthome
Keep safe soldier, God be with you always and protect you. God bless your family too

Sa kasalukuyan, nakatalaga ang mga sundalo bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapatupad ng community quarantine sa Metro Manila.

Matatandaang unang naibalita ang pagkalat ng epidemya sa Wuhan China kung saan marami ang nasawi na naging dahilan ng pagsailalim ng ilang lungsod sa China sa lockdown. Matapos ang halos dalawang buwan, unti,unting nagbukas ang mga establisyemento pero patuloy pa rin na binabantayan ang pagkalat ng virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel