Ilang Pinoy, tuloy ang 'swimming' sa Linggo ng Pagkabuhay kahit may community quarantine

Ilang Pinoy, tuloy ang 'swimming' sa Linggo ng Pagkabuhay kahit may community quarantine

- Sa gitna ng suliranin na kinakaharap ng bansa, hindi nagpapigil ang ilang Pinoy sa pagligo sa ilang dagat

- Sa gitna ng pinapatupad na community quarantine, ilang mga Pinoy ang lumabas at maligo sa dagat ngayong Linggo ng Pagkabuhay

- Matagal nang kaugalian ito ng karamihan bilang paggunita sa isang relihiyosong paniniwala

- Gayunpaman, marami ang umalma lalo at mahigpit na ipinagbibilin ng pamahalaan ang pananatili sa loob ng mga tahanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nagpapigil ang ilang mga Pinoy sa kanilang swimming sa Linggo ng pagkabuhay. May mga Pinoy pa rin na nagtungo sa mga dagat at naligo sa gitna ng pinapatupad na community quarantine.

Sa mga litratong ibinahagi ng Phil News Agency sa Twitter, makikita ang ilang kabataan at ilang mga magulang na masayang nagtampisaw sa dagat malapit sa isang mall sa Pasay at sa Navotas Baywalk.

Makikita sa mga litratong kuha ni Avito Dalan ang mga ngiti sa mukha ng mga tao sa gitna ng kinakaharap na suliranin ng bansa. Gayunpaman, marami ang umalma dahil sa paglabag na ginawa nila sa kautusan ng pamahalaan na manatili sa loob ng bahay at isagawa ang social distancing.

Tigas ng ulo. Pag nagkasakit ang gobyerno na naman ang sasalo.
Wala na talaga katapusan ito, hanggng may ganyan klase ng mga tao. Di manahimik sa mga bahay nila!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang titigas tlga ng ulo ano ba yan? Sana mgwan ng aksyon to hello po sa mga opisyales jan.
Nakakalungkot isipin sa hirap ng pinagdadaanan natin lahat sa Lockdown dahil sa pag iingat na di lalaganap ang Covid Virus..Marami pa din sa atin matitiigas ang ulo sarili lamang iniisip...mas lalo tayong mahihirapan if lalala pa ito...Isip isip naman po sana..Disappointed but relieved faceDisappointed but relieved faceDisappointed but relieved face

Matatandaang unang naibalita ang pagkalat ng epidemya sa Wuhan China kung saan marami ang nasawi na naging dahilan ng pagsailalim ng ilang lungsod sa China sa lockdown. Matapos ang halos dalawang buwan, unti,unting nagbukas ang mga establisyemento pero patuloy pa rin na binabantayan ang pagkalat ng virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel