Pizza delivery man, pinambibili ng tinapay ang naipong 'tip' para ibigay sa mga nagugutom

Pizza delivery man, pinambibili ng tinapay ang naipong 'tip' para ibigay sa mga nagugutom

- Kahanga-hanga ang ginagawa ng isang pizza delivery man kung saan iniipon niya ang kanyang nakukuhang tip para ibili ng tinapay

- Ang tinapay naman ay binibigay niya sa mga taong nasa kalsada pa rin at nagugutom lalo na sa panahon ngayon

- Ibinahagi ito ng may-ari ng bakery na binibilhan ng delivery man at labis siyang humahanga sa adhikain na ito ng lalaki

- Tatlong araw na raw nilang napapansin ang gawain na ito ng delivery man na dapat lamang na pamarisan at bigyan ng pagkilala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang gawain ng isang pizza delivery man na nagagawa pang tumulong habang siya ay naghahanapbuhay.

Nalaman ng KAMI na iniipon daw ng delivery man na ito mula sa Pizza Hut ang kanyang mga natatanggap na 'tip' mula sa customer at ito ang ipinambibili niya ng tinapay na ipakakain naman sa mga nadadaanan niyang nagugutom sa kalsada.

Binahagi ng may-ari ng bakery na binibilhan ng delivery man ang kahanga-hangang kwentong ito.

Ayon sa post ni Raina Ominga, inusisa lamang nila ang delivery man dahil napapansin nilang nadadalas ang pagbili nito ng maramihang bilang ng tinapay ilang araw na ang nagdaan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Doon nila nalaman ang kabutihang ginagawa ng lalaki na tunay nilang hinangaan.

"We were stunned! And that, my friend, is how we encounter Christ this Easter Sunday," pahayag pa ni Raina.

Sadyang nakakabilib ang adhikain na ito ng delivery man dahil bukod sa maituturing siya bilang isang frontliner, nagagawa pa rin niyang tumulong pa sa mga taong nagugutom.

Hindi nalalayo ang kwentong ito sa unang naiulat ng KAMI tungkol sa isang nurse na namimili rin ng pagkain at ipinamimigay sa mga taong lansangan na kanyang nadaraanan pag-uwi.

Tunay na nakakabilib ang mga ganitong gawain ng ilang kababayan nating Pilipino na sa kabila ng buwis-buhay nilang hanapbuhay, patuloy pa rin ang pagtulong nila sa mga nangangailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon.

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel