Carol Banawa, isa na ring COVID-19 frontliner sa America

Carol Banawa, isa na ring COVID-19 frontliner sa America

- Magsisilbi na rin bilang isang COVID-19 frontliner ang dating singer na si Carol Banawa

- Isa siyang registered nurse sa America sa kasalukuyan kung saan siya nakatira kasama ang kanyang anak at asawa

- Ibinahagi niya sa Instagram ang bagong medical equipment na kanyang gagamitin bilang proteksiyon laban sa coronavirus

- Nakilala si Carol sa bansa sa kanyang mga pinasikat na awitin kagaya ng “Tanging Yaman”, “Bakit Di Totohanin” at “Iingatan Ka”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maglilingkod na rin bilang isang COVID-19 frontliner ang dating OPM singer na si Carol Banawa. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng dating singer ang kanyang natanggap na bagong protective gear bilang proteksiyon laban sa mapanganib na coronavirus.

“Just got word that I will be floating out of my home unit starting next week to train and help out other units in the next few weeks,” aniya sa Instagram post kung saan ibinahagi niya ang kanyang litrato suot ang face shield.

New gear. Just got word that I will be floating out of my home unit starting next week to train and help out other units in the next few weeks. Preparing for the incoming surge of #covid patients. Grateful to receive this added protection just in time. Here we go," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang natapos ni Carol ang kanyang kursong nursing sa Northern Virginia Community College noong Mayo ng taong 2018 kung saan nagtapos siya bilang summa cǛm laude.

Naging registered nurse siya noong July ng kaparehong taon.

Ilan sa mga pinasikat na awitin ng OPM singer ay “Tanging Yaman”, “Bakit Di Totohanin” at “Iingatan Ka”. Sa kasalukuyan, siya ay naninirahan sa Amerika kasama ang kanyang asawang si Ryan Crisostomo at ang kanilang dalawang anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel