Ama ng isang front liner, hindi kinakaligtaang ihatid ang anak araw-araw

Ama ng isang front liner, hindi kinakaligtaang ihatid ang anak araw-araw

- Marami ang naantig sa kwento ng mag-amang magkasamang naglalakad tuwing madaling araw

- Araw-araw na inihahatid ng ama ang kanyang anak na nagsisilbi bilang isang front liner sa Marikina Valley Hospital

- Nag-aalala man para sa kaligtasan ng anak, walang magawa ang ama kundi siguruhing makarating ng ligtas ang anak sa kanyang pinapasukan

- Nagbibisikleta ito ng dalawang oras araw-araw upang marating lang ang ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa kwento ng mag-amang palaging magkasamang naglalakad ng madaling araw. Inihahatid ng ama ang anak na isang front liner sa Marikina Valley Hospital.

Sa isang post na ibinahagi ng Facebook Page na ALERT Wanted 305, makikita ang mag-amang naglalakad habang karay-karay ng ama ang bisekleta.

Ayon din sa nasabing post, inihahatid ng ama ang anak hanggang sa gate ng subdivision at mula doon ay magbibisikleta ang anak ng dalawang oras para makarating sa ospital.

Bakas umano sa mukha ng ama ang pag-aalala pero wala siyang magawa kundi siguraduhing ligtas na nakaalis ang kanyang anak dahil maraming buhay din ang nakasalalay sa trabaho nito.

Sa Gitna Ng Panganib Kung Saan Ang Mga Magulang Ay Walang Humpay Na Pag aalala Sa Kanilang Mga Anak. Ang Amang Ito Ay Walang Liban Na Inihahatid Ang Kanyang Dalagang Anak At Pinag bubukas ng "GATE" Ng Subd. Para Pumasok Sa Marikina Valley Hospital Bilang Isang FRONTLINER Na Nagbibisikleta Lamang Ng Dalawang Oras (2H) Para Makarating.
Habang Tinatanaw Ang Kanyang Anak Na Papalayo Hanggang Mawala Sa Kadiliman Ng Madaling Araw, Nababakas Sa Mukha Ng Kanyang Ama Ang Labis Na Pag aalala, Sakit At Kalungkutan Pero Walang Magagawa Dahil Ang Tungkulin Sa Kapwa At Bayan Ang Nangingibabaw.

Dahil sa epidemyang namiminsala ngayon sa maraming bansa sa buong mundo, maraming mga doktor at healthcare workers ang nasawi at nahawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang unang naibalita ang pagkalat ng epidemya sa Wuhan China kung saan marami ang nasawi na naging dahilan ng pagsailalim ng ilang lungsod sa China sa lockdown. Matapos ang halos dalawang buwan, unti,unting nagbukas ang mga establisyemento pero patuloy pa rin na binabantayan ang pagkalat ng virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel