Ilang residente sa Laguna, napilitang lumabas upang makahingi ng makakain

Ilang residente sa Laguna, napilitang lumabas upang makahingi ng makakain

- Binahagi ng ilang residente sa Laguna ang kanilang kalagayan ngayong naka-enhanced community quarantine pa rin ang Luzon

- Aminado silang bawal ang kanilang ginagawa ngunit gutom na raw sila kaya napilitan silang lumabas sa kalsada

- Ang ilan sa kanila'y nasa gitna na ng kalye para mag-abang ng manaka-nakang pagdating mga mga sasakyang maari raw tumulong sa kanila

- Nabahala naman ang mga netizens sa nakitang video dahil kitang-kita na walang social distancing ang mga residenteng lumabas ng kanilang mga tahanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang video ng nagpakilalang mga taga-Laguna.

Makikitang nagkumpulan angilang residente sa tabi ng kalsada at sinabing wala na raw silang makain.

Aminado silang bawal ang kanilang ginagawa dahil dapat na nasa loob lamang sila ng kanilang tahanan dala ng enhanced community quarantine.

Ngunit nalilipasan na raw sila ng gutom at ilang araw na ang lumipas.

Nagbabaka-sakali silang matutulungan sila ng mga nagdaraang mga sasakyan.

Ang iba, nasa gitna pa ng kalsada at ang iba naman nilang kasama ay nasa gilid lamang katabi ng karatula na nagpapaliwanag ng kanilang kalagayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maririnig din na humingi ng paumanhin ang kumukuha ng video sa pamahalaan dahil lumalabag daw sila sa kautusang manatili lamang sa bahay upang mapigilan na ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Nabahala naman ang karamihan ng netizens na nakapanood ng video dahil kitang-kita na walang social distancing ang mga taong naroon.

Hiling din ng karamihan na mabigyan na ng ayuda ang mga taong ito upang wala na raw rason ang mga ito para lumabas pa ng kanilang mga bahay.

Narito ang kabuuan ng video na binahagi ng Laban Pilipinas:

Marso 16 nang ipatupad mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Sa orihinal na plano, tatagal lamang sana ito ng hanggang Abril 12 ngunit dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga positibo sa COVID-19 na-extend pa ito hangaang Abril 30.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon.

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel