Sulat ng isang COVID-19 patient, ibinahagi ng isa sa mga frontliners na nag-alaga sa kanya

Sulat ng isang COVID-19 patient, ibinahagi ng isa sa mga frontliners na nag-alaga sa kanya

- Ibinahagi ng isang doktor ang sulat ng isang COVID-19 patient na naka-ventilator sa loob ng 19 na araw

- Base sa kanyang sulat, nawalan na ng pag-asa ang pasyente at nais na lamang bumitaw na

- Gayunpaman, hindi siya sinukuan ng mga frontliners na nag-alaga sa kanya at tuluyan nang natanggal ang tubo sa kanyang ika-20 araw

- Umani naman ng pagpupuri at pagpupugay mula sa mga netizens ang ginawa ng mga frontliners para sa pasyente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa sulat ng isang pasyente na tinamaan ng COVID-19 na ibinahagi ng isang doktor. Sa isang Facebook post ng user na si Heidi Cecilio, makikita ang isang sulat ng pasyente na nakikiusap sa doktor na hayaan na lamang siya.

Sa kabila ng kawalan ng pag-asa ng pasyente, hindi siya sinukuan ng mga rontliners na kinabilangan ng pulmo, IDS, nephro, cardio at anesthesia team ng Cardinal Santos Hospital.

19 araw na naka-ventilator ang nasabing pasyente at nawalan na ng pag-asang gagaling pa siya. Ngunit sa pagsisikap ng mga doktor at iba pang nag-aalaga sa kanya, natanggal ang tubo sa kanya sa ika 20 araw.

"Dra, pls let me go. I can't take it longer, just let me die peacefully with my kids," ito ang sulat mula sa pasyente.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 1,800 shares ang nasabing post. Marami ang nagpahayag ng kanilang pagpupugay sa mga frontliners na sa kabila ng panganib ay tuloy pa rin sila sa kanilang trabaho.

Some people wont give up on you,so dont give up on YOU also
To the team and all frontliner doctors in the philippines you deserve all of GOD’s protection! Alam ko ang pagod nyo sa araw araw. MARAMING SALAMAT
Thank you for not giving up, frontliners!

Matatandaang umabot na sa mahigit isang daang frontliners ang tinamaan ng COVID-19 ayon sa naunang ulat ng KAMI.

Matatandaang unang naibalita ang pagkalat ng epidemya sa Wuhan China kung saan marami ang nasawi na naging dahilan ng pagsailalim ng ilang lungsod sa China sa lockdown. Matapos ang halos dalawang buwan, unti,unting nagbukas ang mga establisyemento pero patuloy pa rin na binabantayan ang pagkalat ng virus.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel