Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19, bumulusok sa pinakamataas ngayong araw

Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19, bumulusok sa pinakamataas ngayong araw

- Umabot sa 40 ang bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 ngayong araw Abril 12

- Halos mahigit ito sa doble ng karaniwang bilang ng mga naitatalang naka-recover araw-araw

- Subalit, umabot naman sa 220 ang bagong kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 at 50 naman ang nadagdag sa mga pumanaw

- Sisimulan na ang pagbabahagi ng karagdagang impormasyon ng mga COVID-19 upang makumpirma ang totoong bilang ng mga tinamaan ng virus sa bansa at mas mapabilis din ang pagsasagawa ng contact tracing

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natuwa sa bilang ng dumagdag sa mga naka-recover sa COVID-19 ngayong araw, Abril 12.

40 ang karagdagang bilang ng mga naka-recover sa naturang virus sa loob lamang ng isang araw na nagbigay ng pag-asa sa marami.

Halos mahigit ito sa dobleng bilang ng karaniwang naitatala ng Department of Health sa isang araw.

Ngunit, hindi naman maiiwasang mangamba ng ilan sapagkat 220 additional cases ang naitala ngayong ding araw ng linggo.

Ito ang bumuo ngayon sa kasalukuyang bilang na 4,648. Samantala, 50 naman ang naitalang mga pumanaw na bumuo sa bilang na 297.

Gayunpaman, hiling ng karamihan na patuloy ang pagtaas ng mga nakaka-recover lalo pa at 100 lamang ang diperensya nito sa bilang ng mga sumakabilang buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umaasa silang darating din ang araw na wala nang maitatalang pumapanaw at puro mga pasyenteng gumagaling na lamang.

Ngayon ding araw, ipinahayag ni Cabinet Secretary at Spokesperson din ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang napagkasunduan nila ng Department of Health at ng Office of Civil Defense ang pagbabahagi nila ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Ito ay base sa Republic Act No. 10173 or the Data Privacy Act kung saan pahihintulutan na mag-data sharing ang mga nasabing ahensya upang mas mapadali at mas mapagtibay ang pagsasagawa ng contact tracing.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon.

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel