Sana all! Mga empleyado ng 1 mall, nakatanggap ng bonggang tulong

Sana all! Mga empleyado ng 1 mall, nakatanggap ng bonggang tulong

- Napa-sana all talaga ang mga netizens sa viral posts ng dalawang empleyado ng isang mall sa Genaral Santos City

- Ipinagmalaki ng mga ito ang bonggang tulong na natanggap mula sa kanilang employer

- Sa post ng isa sa mga ito makikita kung gaano kabongga ang natanggap nito mula sa bilang ng mga de lata, instant noodles, asukal, kape, isang tray ng itlog at isang kabang bigas

- Isa itong magandang balita lalo na at alam ng lahat na maraming empleyadong labis na naapektuhan ng enhanced community quarantine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napa-sana all talaga ang mga netizens sa post ng dalawang empleyado ng isang mall sa Genaral Santos City.

Sa pamamagitan ng social media ipinagmalaki ng dalawang empleyado ng Koronadal Commercial Center (KCC) na sina Max Fernandez at Kareen Varona, ang natanggap na tulong mula sa kanilang employer.

Sa Facebook post ni Varona, makikita kung gaano kabongga ang natanggap nito mula sa bilang nga mga de lata, instant noodles, asukal, kape, isang tray ng itlog at isang kabang bigas.

Maging ang mga natanggap ni Fernandez ay ibinida rin nito at nagbigay pa ng listahan sa kanyang post.

Biro pa ni Fernandez, hindi na raw siya magugutom dahil sa dami ng kanyang natanggap.

Isa itong magandang balita lalo na at alam ng lahat na maraming empleyadong labis na naapektuhan ng enhanced community quarantine dahil sa coronavirus pandemic.

Una nang naiulat na ang mga empleyadong apektado ng lockdown ay makakatanggap ng P5,000 tulong mula sa gobyerno.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic

“They had to walk an hour, an hour and a half to get to work. I mean, coming from an 8 hour shift sa hospital. Tapos palalakarin mo pa yung nurse o kahit security guard. Parang hindi makatarungan, diba?”

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel