Nakapanlulumo! Mag-ina, magkasunod na pumanaw dahil sa coronavirus

Nakapanlulumo! Mag-ina, magkasunod na pumanaw dahil sa coronavirus

- Sa pamamagitan ng social media, inalala ng isang lalaki sa New York ang kanyang ina at nakababatang kapatid na magkasunod na pumanaw dahil sa coronavirus

- Ayon sa mga post nito, pumanaw ang ina nito noong April 7 ng umaga habang April 8 naman nang bawian ng buhay ang kapatid

- Pero bukod sa pagdadalamhati, pahirapan din daw ang pagpapalibing sa mga ito dahil may mga punerarya ang ayaw nang tumanggap ng mga labing nasawi dahil sa virus

- Samantala, dumagsa naman ang pakikiramay para rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Sa pamamagitan ng social media, inalala ng lalaking si Lloyd Torres mula sa New York ang kanyang ina at nakababatang kapatid na magkasunod na pumanaw dahil sa coronavirus.

Sa magkasunod na post ni Lloyd sa Facebook, napag-alaman ng KAMI na pumanaw ang ina nito na si Lely Torres, 73, noong April 7 ng umaga habang April 8 naman nang bawian ng buhay ang kapatid na si Louis, 47.

"Today we lost my little brother Louis. He was a generous and sensitive soul, who lived life on his terms. He, like my mom, succumbed to COVID 19," ayon sa post nito noong April 8.

Samantala, nakapanayam naman ito ng New York Post at dito ay ibinahagi nito ang pangyayari sa pagpanaw ng dalawang mahal sa buhay.

“[Louis] was aching, not feeling well, really had a hard time going to the subway and back home,” anito. “He started to have difficulty breathing, couldn’t keep food down.”

Dinala sa isang ospital si Louis kung saan natukoy ng mga doktor na mayroon itong COVID-19 at pneumonia at agad na ginamitan ng ventilator.

Habang si Lely naman ay nakatawag pa sa 911 at isinugod sa Queens Hospital Center.

“How did this happen? I just don’t have those answers, nobody knows how or where this was contracted,” sabi ni Lloyd.

Pero bukod sa pagdadalamhati, pahirapan din daw ang pagpapalibing sa mga ito dahil may mga punerarya ang ayaw nang tumanggap ng mga labing nasawi dahil sa virus.

“We called around and were met with a very strange responses from ‘No, we can’t’ to ‘It’s impossible’ to ‘You have to join a waitlist,’" kwento pa nito.

Nakikiramay ang KAMI sa mga naulila ng mga nasawi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic

“They had to walk an hour, an hour and a half to get to work. I mean, coming from an 8 hour shift sa hospital. Tapos palalakarin mo pa yung nurse o kahit security guard. Parang hindi makatarungan, diba?”

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel