Lolo, ibinalot sa plastik ang apo para mayakap ang amang frontliner

Lolo, ibinalot sa plastik ang apo para mayakap ang amang frontliner

- Labis na nakakalungkot ang tagpo sa isang viral video sa Facebook kung saan makikita ang isa sa mga epekto ng COVID-19 pandemic

- Sa naturang video, ibinalot ng lolo ang kanyang apo sa plastik para lang mayakap nito ang amang pulis at nagsisilbing frontliner

- Nangyari ito sa gitna ng krisis sa kalusugan at kaligtasan dala ng virus na labis nang nakaapekto sa mundo

- Maraming netizens ang hindi naiwasang malungkot para sa mga ito na isa lamang sa libo-libong pamilya na pinaghiwalay ng virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na nakakalungkot ang tagpo sa isang viral video sa Facebook kung saan makikita ang isa sa mga epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa FB video na ibinahagi ng netizen na si Debbie Bustos Contreras, makikita ang isang batang babae na ibinalot ng kanyang lolo sa plastik para mayakap ang kanyang amang pulis.

Sa unang bahagi ng video, makikita ang matandang lalaki na inaayos ang plastik na nakabalot sa buong katawan ng kanyang apo bago inayos ang suot nitong face mask.

Matapos nito ay dahan-dahan na iginiya ng matanda ang bata papunta sa ama nito na nagsisilbing frontliner.

Mahigpit na nagyakap ang mag-ama na isa lamang sa libo-libong pinaghiwalay ng nakamamatay na virus.

Umabot naman sa mahigit 7 million ang views ng naturang video at halos 500K ang shares sa FB.

Hindi rin naiwasan ng mga netizens ang maantig ang damdamin sa nakakaiyak na tagpong ito.

"O God this is so sad, but your dad is a hero little girl."

"How beautiful soon that father will be with his daughter."

"My heart is broken!"

"Very emotional but it's the best for the moment."

"This breaks your soul."

Samantala, sa isa pang report ng KAMI, viral din ang video ng isang bata na pilit humahabol sa kanyang pulis na ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic

“They had to walk an hour, an hour and a half to get to work. I mean, coming from an 8 hour shift sa hospital. Tapos palalakarin mo pa yung nurse o kahit security guard. Parang hindi makatarungan, diba?”

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel